Love Essence

We often times asked ourselves why do we love someone and why are we always hurting deep inside whenever that someone leaves us. We asked ourselves if it is still worth it to love someone and just be hurt in the end.

Sa dinami dami nga naman ng mga pwedeng maramdaman sa mundo bakit pagibig ang parehong napakasarap at napakasakit na bagay na pwedeng maramdaman ng isang tao. Masaya ka pag andyan ang taong mahal mo pero sa sandaling saihin nya na teka muna andyan na ang sakit na iyong mararamdaman. Hmmm… ang gulo noh. Pero natanong na ba natin o napag-isipan natin kung ano nga ba ang pag-ibig.

Para sa akin ang pag-ibig dati ay sinisimbulo ng dalawang taong nagmamahalan ng tapat at totoo sa bawat isa. Ito ang pag-ibig… pero sa sandaling ito, naiba na ang pananaw ko sa pag-ibig…

Ang pag-ibig ay isang bagay na ibinibigay mo at ipinararamdam sa isang tao ng wala kang hinihintay na anumang kapalit. Hindi mo hinihintay na ibigin ka rin nya o suklian ang anumang pagmamahal na iyong ipinakikita.

Love is something that we give freely without expecting something in return. When we feel this then we have truly experience the power of love.

Para sa akin nararanasan ko na ito… anupaman ang mangyari patuloy kung mamahalin ang mga taong mahal ko at kailanman ay hindi ako aasa na suklian nila ang pagmamahal na ito… maging sila ay kaibigan… kasama o tunay kong minamahal sa puso.

Di na kailangang maghintay sapagkat ang ganitong pag-ibig ay hindi naghihintay subalit patuloy na nagbibigay.Salamat sa taong nagturo sa akin na magmahal ng ganito… MARAMING SALAMAT!

© 2011, Shakerules Diaries. All rights reserved.

Got anything to say? Go ahead and leave a comment!

Get Adobe Flash player
This site is protected by WP-CopyRightPro