Bawal Na Pag-ibig

Paano ko ipaglalaban ang isang pag-ibig na sa simula pa lang ay nababatid ko na kung sino ang talo?

Paano ko nga ba maipagpapatuloy ang isang relasyon kung nababatid ko na may mga taong masasaktan, may mga taong masasagasaan?

In life, there is really no such a wrong love

Nagiging mali lang ito depende sa pagkakataon, sitwasyon at taong paguukulan nito

Minsan sadyang mapagbiro ang tadhana…

Di natin maaaring planuhin kung kailan tayo magmamahal, di natin maaaring piliin kung sino ang ating iibigin

Kung sino pa ang hindi dapat mahalin, siya pa ang pilit itinitibok ng puso…

Ano mang gawing pagiwas, lalo lang nag-uumapaw ang pagnanais ng damdamin

Tunay na mahirap ang umibig sa maling pagkakataon, magmahal sa taong pag-aari na ng iba…

It is really hard to take a chance on a relationship if we have nothing to hold on to

We may feel happiness but not for too long…

Bawat sandaling magkasama ay pawang hiram…

Palaging nadarama ang takot, ang pangamba at pag-aalinlangan

Minsan naitatanong sa sarili “Ano ang karapatan ko sa’yo?”

Saan nga ba ako nakalugar sa puso mo?

Hindi ko alam kung sapat ba ang pag-ibig natin sa isa’t isa, kung hanggang kailan mo ako kayang mahalin…

Oo nga at masaya ako sa piling mo, pero minsan ang kaligayahan ay hindi usaping pangpuso lamang…

Ang pagkakaroon ng panatag na kalooban at isipan, kasama ang tunay na ngiti sa mga labi… Yan ang tunay na kaligayahan.

Paano nga ba maging masaya kung may mga tao akong nasasaktan?

Sometimes in a battle of love, one must surrender and give way…

No matter how you love each other

Sometimes, one must make a sacrifice and let go…

Even if it really hurts…

How can I hold on to you if I don’t own you?

Minsan ng pag-ibig ay katumbas ng pagbibigay at pagpapalaya…

at pagbitaw sa hindi naman talaga natin pagmamay-ari…

But I’m grateful… fate brought you into my life…

Maybe to teach me lessons in life, or maybe to learn how to fight temptations…

At kung sa huli, sakali mang magbiro ulit sa atin ang tadhana, sana umayon na sa atin ang pagkakataon….

Sana… Baka Sakali…

© 2011, Shakerules Diaries. All rights reserved.

Got anything to say? Go ahead and leave a comment!

Get Adobe Flash player
This site is protected by WP-CopyRightPro