Shakerules Diaries, Submitted Stories & Letters, Tagalog Love Stories
3 Comments First Love … True Love ..
By: Nimra
I just want to share my story to all of you guys, hoping na may maka relate at mag enjoy sa ikukwento ko. Most of these are facts, pinilit kong maremember in full details just for the fun of writing.
Meron na din itong english version, kaso hindi ko matapos tapos. So nung magala ako dito at nakabasa ng mga magagandang kwento. Naisip ko na dito nalang ilagay. tagalog nalang para mas madali isulat. At para matapos na rin.
Tungkol ito sa dalawang taong nagpasaya at nagturo sakin kung pano magmahal, masaktan, umiyak at tumawa.
Meet My FIRST LOVE..
August 1999
ako: 3rd year high school, exclusive for girls, hindi kagandahan, hindi rin katalinuhan. madami friends pero mostly girls ***. konti yung boys, most of them kababata at kapitbahay ***.
first love: nasa 2nd year college, fair complexion, amazing smile, rugged kung pomorma. mejo long hair.
First meeting ..
Gabi, I was waiting for my bestfriend sa bahay nila, we’re off to a youth camp, while waiting, dumating si FL. nung una di ko sya pinansin, ako kasi yung tipong suplada. Tinanong nya ko kung nasaan daw yung kaibigan ko. Sabi ko baka nasa kwarto niya getting ready na din for the camp. Umupo sya sa isang upuan na adjacent sakin. silence…. wala kibuan. Then, after ilang shift ko sa pagkaka-upo, lumabas din yung kaibigan ko.
Pinakilala sakin si FL, since hindi nga kami nag kibuan, Nalaman ko na neighbor friend nya pala yun. after nun kwentuhan na kami. medyo syempre nahihiya pa ako ng konti. pero nagjojoke na siya, siguro kasi nandun din yung bestfriend ko kaya at ease na rin ako. After ilang minutes, umalis na kami papuntang camp. hinatid kami ni FL..
1 week after, while watching tv my sister called me, sabi may naghahanap daw sakin sa phone, lalaki. nagtaka naman ako kung sino, kasi iilan lang ang kaibigan kong lalaki, kapitbahay ko pa. bakit pa sila tatawag, pwede naman sila pumunta bahay, like they always do. “hello?”.. “hey, kumusta na? si c**** to, yung kaibigan ni J***, we met last week sa bahay nila. kumusta na?” said the voice on the other line. inalala ko kaagad kung sino, syempre like all people do, ini-magine ko yung mukha. “aaah… uy, kumusta, napatawag ka? pano mo nalaman number ko?” tanong ko sakanya. “hiningi ko kay J***, wala kasi ako magawa dito sa bahay, kaya naghanap ako ng makukulit, at binigay nya number mo.”..
Simula noon, gabi gabi na sya tumatawag, kwentuhan, asaran, minsan nagkakapikunan. minsan naman nagtatawanan ng walang dahilan. Hindi na completo yung gabi ko kapag di siya tumatawag. sa madaling salita, naging magkaibigan kami, over the phone nga ***, kasi hindi pa kami makapag meet sa labas. hindi nya ko ina-aya, ayoko din naman, kasi nahihiya ako. Iba din kasi kapag sa telepono compare sa personal diba? Baka yung closeness namin sa phone kabaliktaran kapag andyan na sa harap mo.
Isang gabi, tumawag yung bestfriend ko.. kailangan nya daw ng tulong, niyaya sya magdate nung nangliligaw sakanya. Ang problema ayaw nya mag-isa. Since highschool lang naman kami, syempre takot pa sa mga first dates. Eh ayoko naman na maging alalay ng dalawa, ma-out of place ba. ayoko nga. Sa sobrang kulit nga ng kaibigan ko, ewan ko ba, napa-oo nalang ako. hirap talagang tumanggi sa kaibigan.
eto na, araw na ng date ng bestfriend ko. ang bigat ng paa ko. parang ayoko talagang sumama. haist, bakit nga ba ako pumayag?? since di pa uso yung cellphone nun, kailangan tawagan ko muna kaibigan ko sa phone bago umalis ng bahay. sinigurado kung saan at anong oras talaga dapat magkita. Sabi ko, magpapalate ako ng konti. baka isipin nung dalawa ako pa yung atat na maging alalay.
Pagdating ko sa meeting place, andun yung bestfriend ko. At may dalawang lalakeng kausap. yung isa nakapantalon and polo shirt, babad sa gel *** buhok. yung isa naman nakatalikod. naka shorts, t-shirt at naka cap. Lumapit ako, to my surprise si FL!! waaa!! nagpanik talaga ako, di ko alam yung gagawin ko. uwi na ba ko? o hindi? bako pako maka decide, nakita na ko ng bestfriend ko, kumakaway sakin.
wala na! wala na ako magagawa. hingang malalim, sabay smile. it turns out, niyaya ng bestfriend ko si FL, para naman daw may kapartner ako at hindi ako ma OP. So ano pa nga ba magagwa ko? andun na eh. pero, masaya naman ako, di ko nga lang alam kung papano kikilos. conscious ako. first time ko din makipag date nun. takot din may makakita samin, kasi sa sobrang liit ng probinsya namin, kilala mo halos lahat yung mga tao. So para hindi naman ako mahalata na nenenerbyos at namamawis ang kamay, inisip ko nalang na isa sya sa mga kaibigan kong lalaki na pwedeng batukan at suntukin ko. sana nga lang di ko magawa sakanya yun.
Nanood kami ng sine, hindi ko na maalala kung ano yung title, ang maliwanag *** sakin, ang saya nya kasama. kung gaano sya kakulit sa telepono, mas makulit sya sa personal. ang ingay namin sa sinehan. ewan ko ba, ang gaan ng pakiramdam ko sakanya. as if i could tell him everything na walang judgement. first time kong nafeel yun. na excite ako sa naramdaman ko. Parang gusto ko na siya laging kasama.
Natapos yung araw na hanggang tenga yung ngiti ko, ang sakit ng tiyan ko kakatawa. Ang sarap sa pakiramdam. Kelan kaya mauulit? .. tanong ko sa sarili ko habang pababa ng pedicab sa tapat ng bahay namin. Hindi na siya bumaba, pinapasok nya lang ako sa gate, then umalis na siya.
Mas naging close kami ni FL. humaba ang oras ng kwentuhan namin sa phone. Minsan umaabot ng 4am. nagalit yung tatay minsan ng nakita niya akong mulat na mulat ang mata at tumatawa habang may kausap sa phone ng madaling araw, Kaya simula noon, kapag may pagkakataon pinapasok ko sa kwarto ko yung telepono.
Dumadalas na rin ang paglabas namin. Minsan, kumakain lang then uuwi na. Minsan naman pag may pera, manonood ng sine. Para ko na rin siyang naging kuya, tatay at bestfriend. Sarap pala sa pakiramdam pag may isang tao sa buhay mo na espesyal sayo (bukod sa pamilya mo).
Pero hanggang doon lang yata kami. Magkaibigan. Wala ako idea kung ano ang nararamdaman ko sakanya. Di ko pa alam noon kung ano ang difference ng love and like. Basta ang alam ko like ko siya. masaya ako pag kausap ko siya. Hindi completo araw ko pag di ko siya nakakausap. Pero love? panu yun? wala ako idea.
to be continued…
© 2011, Shakerules Diaries. All rights reserved.
its cute so far pls continue!!
gosh, nimra, don’t keep us hangging? i can’t wait to read more of your stories ….thanks for sharing and posting…
nice story.. keep it up….