Shakerules Diaries, Submitted Stories & Letters, Tagalog Love Stories
No Comments First Love … True Love .. Part 8
Nasa bahay na ko, nasa kwarto, hindi ako makatulog..”bakit nga ba ayoko marinig sasabihin niya?” napatanong ako sa sarili … biglang nag ring yung telepono. “uy, A****, may kakausap daw sayo, nung una di ko nakilala, kaklase ko pala, di pa sila tapos mag inuman. “hello?” boses ni TL.. “sino to?” kunwari di ko nakilala. “bakit umalis ka kaagad kanina?” sabi ni TL. “eh, baka hinahanap na ko ng nanay ko, tsaka medyo late na din.” casual kong sinagot. “kumsta ka na?” sunod na tanong ni TL. “ok lang naman, inaantok na. “bakit ka umiiwas sakin kanina?” sabi ni TL. “eh, ikaw kaya unang umiiwas sakin.” mabilis kong nasagot. Hindi siya kumibo.
Nararamdaman ko na ang pwedeng sabihin niya, ayokong ako yung magtanong, ayokong ako unang magsabi. Ilang minuto pa ang nakalipas, ganun yung takbo ng usapan namin, pareho kaming umiiwas sa gusto naming marinig. alam ko sa sarili ko na mahal ko na siya, ayaw ko lang aminin.
Ewan ko ba di ko na maalala kung ano exacto nangyari, next thing I know, umamin siya, napa amin ako. Di ko rin alam kung kami na o lahat ay usapan lang. Ang sigurado lang ako, after ng usapan sa telepono na yun, mas naging close na kami ni TL. Mas naging sweet siya sakin, lagi na siya nasa bahay. Sumama siya sakin para mag summer school, magkaklase kami, nahahalata na ng ibang kaibigan namin, pero pinipilit naming itanggi at itago sakanila. Maraming magagalit, isa doon yung 2nd bf ko na kaibigan namin. Isa din doon yung isang close friend ko na ex ni TL. Maraming complication.
dalawang buwan ang nakalipas. Pasukan nanaman, 4th year nakami. Kaklase pa rin namin si 2nd bf, hindi pa namin inaamin sakanya, sa mga kaklase namin. Pero, nagtatanong na sila. Ngumingiti lang kami. Sabi namin, close lang talaga kami, pilit kaming umiiwas sa mga tanong na yun.
Isang araw, kinausap ako ni TL. Nag usap na daw sila ni 2nd bf, sinabi na niya na kami na. Naging maayos naman daw yung usapan nila. ok lang daw kay 2nd bf, kasi kilala naman daw niya si TL. hindi naman daw ako sasaktan. Na touch naman ako. Gumaan yung pakiramdam ko, hindi na namin kailangan magtago. Masayang masaya ako nung mga sumunod na araw.
Noon ko lang naramdaman kung paano alagaan ng isang taong importante sayo, noon ko lang naramdaman kung pano talaga magmahal. Napaka sweet and romantic niya. May instance pa ngang dumating ako ng bahay galing school, pagpasok ko ng kwarto ko, may mga bulaklak. Dumaan daw si TL sa bahay dala dala yun, pinasok niya sa kwarto. ang nakakahiya pa nga, inayos nya pa yung kwarto ko, eh kasi naman, malay ko bang papasok siya doon.
May mga araw din na bigla niya nalang akong bibigyan ng isang rose sa klase, hindi ko alam kung bakit, pero masaya ako pag ginagawa niya yun. Ganoon pala pag may nagmamamahal sayo.
Alam naman nating lahat na hindi naman laging masaya sa isang relasyon. May mga tampohan at di pagkakaintindihan din kami ni TL. Lalo na kasi magka-ibang magkaiba ang ugali naming dalawa. Kung siya tahimik, ako maingay. kung siya lagi nasa bahay, ako laging nasa labas. Ganun kami ka opposite. Pero lagi naman naming pinag uusapan. nag aadjust ako, nag aadjust din siya. meet half-way kung baga.
Pero may mga panahon at araw din kami na hindi talaga magka sundo. .
September 2003..
May klase si TL, gabi, 7pm, Minor subject siya kaya hindi kami magkaklase. Isusurprise ko siya, inantay ko matapos klase niya. monthsary namin, may ibibigay akong regalo.. Tagal matapos, tagal nila lumabas sa building. Umaambon na, sumilong sa kabilang building. .. Ilang minuto lang, lumabas na yung mga kaklase niya, nakita ko na siya. Palapit na sana ako, ng bigla kong nakita may kumabit sa braso ni TL, isang babae, mahaba buhok, di ko na nakita mukha. Napahinto ako, di ko alam kung lalapit pa ako o hindi na. tinitingnan ko lang sila. Inalis ni TL yung pagkaka-kapit nung babae. Buti naman, naisip mo. napabulong ako sa sarili ko. Nabigla ako ng nilagay niya kamay niya sa ulo ng babae. Umuulan kasi, sinakloban niya yung ulo. Ang sakit talaga! Umalis na ako. Di ko na alam ang gagawin ko. Tinapon ko yung regalo. Noon ko lang din naramdaman yun, iba pala kapag nakita mo, naalala ko si FL, pareho pareho lang sila. Ang sakit sakit. Bakit kaya lagi ako? May pagkukulang ba ko?
Kinaumagahan sa klase, hindi ako umiimik, iniiwasan ko si TL. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Pilit niya kong kinukulit. Ngumingiti lang ako. Hanggang sa tumigil na rin siya sa pangungulit, nahalata na din niya. Sabay pa rin kaming umuwi, Naglalakad kami papuntang sakayan… “bakit di ka umiimik? may problem?” tanong ni TL.. “wala”.. yun lang ang nasagot ko. Ayoko pa pag usapan. Hinatak niya ko, pumunta kami sa isang kainan. “mag-usap tayo” sabi niya. Umupo ako, ang sakit na ng dibdib ko, parang sasabog na.. “sino yung babae?, bakit ganon kayo ka-close?…..” nakwento ko sakanya nangyari nung gabi, nung hinintay ko siya, nung nakita ko lahat… tumawa lang siya. Kinuha niya yung phone niya. Pinapapunta niya doon yung kausap niya sa phone.. Pag baba niya ng phone. Nakangiti lang siya sakin. Inis na inis ako. Hindi naman joke yung sinabi ko eh, bakit siya tumatawa, halos maiyak na ko. Aalis na sana ko. hinatak niya uli kamay ko. “sandali lang, may papakilala ako sayo, antayin lang natin siya.” sabi ni TL. Naguluhan na talaga ko. Bat ngayon niya pa papakilila? nasa gitna kami ng confrontation.
May dumating na babae, pinakilala niya, Pinsan niya, galing ibang probinsya, sakanila nakatira. Transferee. Gumaan yung pakiramdam ko. Pero nahiya ako. Siguro pulang pula ako noon. Malay ko ba. Kahit sino namang gf pag nasa sitwasyon na yun, iisa lang ang iisipin diba? So, yun, ok nanaman kami, tinatawanan na namin yung problema. Malaking bagay din pala sa relasyon ang tiwala. Kailangan yun para lalo tumibay ang isang relasyon.
Pero talaga sigurong sinusubok kami ni TL…
Nakwento na dati ni TL yung ex nya, yung niloko siya, yung nasa ibang school, di naman daw niya minahal yun (yun yung sabi nya noon). Nakwento niya ulit na tumatawag daw ulit sakanila. Kaibigan nalang daw sila. Sinasabihan na din daw niya na may bago na siyang gf. . . Tiwala . . Dapat meron nga diba? so, ayun, nagpaka ***** ako, sabi ko hayaan mo na. Basta alam din niya kung saan siya lulugar, magkaibigan lang naman siguro.
Ayun na, sinubok yung tiwala ko. Nagpapa-alam si TL, gusto daw magpa tutor nung ex niya sa kanya. Sa bahay lang daw nila. nung una di ako pumayag, ayoko. Sabi naman daw ni TL, last na yun kapag pinagbigyan niya, di na daw siya kukulitin. ok fine, naisip ko nalang andoon naman nanay niya. Basta wag lang gabihin sa bahay nila yung ex niya. Susugurin ko talaga siya.
to be continued..
© 2011, Shakerules Diaries. All rights reserved.