Shakerules Diaries, Submitted Stories & Letters, Tagalog Love Stories
No Comments First Love … True Love .. Part 9
Isang gabi.. Tumawag si TL. Mukhang seryoso.. di umiimik.. “you don’t deserve me” sabi bigla ni TL. Kinuwento niya hinalikan daw siya nung ex niya, habang tinuturuan niya. Naku!!! narinig ko na to! bakit ulit nanaman?! Umiiyak na ko, nag eexplain siya sa kabilang linya, di ko na siya maintindihan, humagulhul na ko. Isa lang ang nasasabi ko.. “bakit? may pagkukulang ba ko..?”
Binaba ko na yung phone, di na kasi ako makapagsalita. Nagkulong na ko sa kwarto. Simula noon, di na kami nag uusap. Umaalis ako kaagad pagkatapos ng klase. Ayoko siyang makita. Sobrang sakit kasi. Binigay mo yung tiwala mo, wala pala. Ang hirap. Gulong gulo ako noon. HIndi na rin siya tumatawag. Parang hindi na kami magkakilala. Sa klase, Umuupo ako kung saan pinakamalayo sa kanya. Nagtatanong na mga kaklase namin, hindi ko sila pinapansin. Di na rin nila ko kinukulit.
Ilang linggo na ang nakalipas, umiiyak pa rin ako bago matulog, pagkagising, habang kumakain. Ang sakit eh. Hindi ko alam noon kung ano gagawin ko..
Isang gabi.. Nasa kwarto ako, nagmumuk-muk pa rin, Tumunog yung cellphone ko. “uy, kumusta ka na? pwede tayo magusap?”… number lang, wala siya sa phonebook ko. Ewan ko ba, parang kilala ko kaagad kung sino.. Pero, di ako sigurado. Kinabahan ako, sumakit yung tiyan ko (uulitin ko, hindi naman ako natatae nun).. nag reply ako kung sino siya.. Nagulat ako ng sinabi niyang si FL siya. Hala!! paano niya nalaman number ko? “Pwede ba kong tumawag?” .. ewan ko ba, na excite ako. since hindi naman nagbago yung phone number namin, tumawag siya. First time namin ulit mag usap after 3 years, nag kumustahan, nagkwentuhan, parang dati lang. parang walang nangyari.
Nalaman kong kakabreak lang niya with his gf, kailangan niya lang daw ng makaka usap. Ako daw yung naisip niya. hindi nga din niya daw alam kung bakit ako. Nasabi ko rin sa kanya na kaka break ko lang sa bf ko. pero di ko sinabi kung bakit. Ayun, simula nanaman ng pagkakaibigan namin, lagi na siyang tumatawag. Parang dati nga lang ulit. Pero hindi na namin napag usapan yung naging problema namin, ewan ko ba. Napatawad ko na naman kasi siya, tska matagal na rin naman yun.
Birthday ng nanay ni FL, ininvite niya ko pumunta sa bahay nila. Pinag isipan ko, since may 5 hours vacant naman ako noon. pumayag ako. Parang dati lang… ang bait pa rin ng nanay niya sakin, parang walang pinagbago bahay nila.. pagkatapos kumain, nasa likod kami ng bahay nila. kwentuhan kami. maya maya, pumasok siya, pagbalik niya.. may bitbit na siyang guitara. Hinarana niya ko, kung dati sa telepono lang.. ngayon, personal na. Kinilig talaga ako. Naging masaya nanaman ako. Pero in the back of my mind, iniisip ko pa rin si TL. Ano kaya ginagawa niya ngayon? tanong ko sa sarili ko. Ewan ko ba, habang kumakanta si FL, ang naiisip ko si TL. Haist… Natapos ni FL yung kanta, kwentuhan ulit kami, napagkwentuhan namin nung kami pa, yung kulitan namin, yung mga magagandang nangyari samin (iniiwasan pa rin namin yung pangit na nangyari).. Napag usapan namin yung mga letter na binigay ko sakanya. Sabi ni FL, nakatago pa daw yung mga yun. Pero hindi niya daw papakita sakin. Kinulit ko siya, gusto kong makita ulit. Pumunta ako ng kwarto niya, hinanap ko, sa drawer, wala; sa ilalalim ng kama wala.. asan kaya (gusto ko kasi talagang makita kung tinago niya talaga).. nasa may pinto lang siya, nakatawa “hindi mo talaga mahahanap yun dyan, sabay tumingin sa kisame ng kwarto. “ano? nandyan sa taas??!!” nagulat ako bakit nasa taas?! .. kumuha siya ng upuan, inabot yung kisame, tinulak, maya maya may binaba siyang isang box.
Andun nga lahat ng letters ko sakanya, pati mga gift ko, Panyo ko na pinahiram sa kanya nung minsang pawisan siya., lahat nandun. Magkaharap kami nung inuungkat ko yung mga gamit, napa tingin ako sakanya. Gusto ko siyang halikan (di ba nga hindi namin nagawa yun nung kami), gusto ko siyang yakapin. Pero pinigilan ko yung sarili ko. Nakatingin lang siya sakin, napatitig ako sakanya. lakas ng kabog ng dibdib ko. kinakabahan ako.. Nag smile nalang din ako, tska biglang inayos na yung mga gamit. “bakit, mo naman tinago pa tong mga itp, dapat tinapon mo na.” biro ko sakanya habang nililigpit na at isa isang binabalik sa kahon. “eh, sakin yan, binigay mo yan.” sagot ni FL. Tinakpan ko na yung box, binigay ko na sakanya, “O, itago mo na, baka bawiin ko pa yan.” sunod na biro ko sakanya. “tara, na nga, may klase pa ko” sabay sabi ko habang palabas na ng kwarto niya. Sa totoo lang gusto ko pa mag stay, gusto ko pa siyang makasama.
Oo, alam ko, kakabreak lang din namin ni TL, wala pa ngang formal breakup kasi hindi na kami nakapag usap. hindi naman bawal makipag kaibigan ulit kay FL di ba? Masaya nanaman ulit ako, ok na ako doon, magkaibigan ulit kami. At hindi na rin ako nag eexpect na magkakabalikan kami ni FL..
Niyaya ako minsan ni FL, manonood daw ng sine. Since, wala naman ako ginagawa noon, pumayag ako.. Papasok na kami ng sinehan.. Since nga maliit lang ang probinsya namin, ayun! may naka kita saming kaibigan namin ni TL. Ewan ko ba, kinabahan ako. Parang feeling ko i’m cheating on TL. eh, hindi naman kami diba? Pagkatapos naming manood ng sine, uneasy pa rin ako. Bahala na.
Kumain kami sa isang carenderia, hindi pa rin siya nagbabago, makulit pa rin. mahilig pa rin mag joke. Kontento na ako na ganito na ulit kami. Ok na ako. Pero, si FL, hindi pala…
Isang araw nag text si FL.. Out of nowhere, sinabi niyag gusto niyang makipag balikan. Nagalit ako. Bakit?? Akala ko, ok na muna kaming magkaibigan. Binabalik lang namin yung dating samahan namin diba? ok na ko dun eh. Bakit kailangan niya i-complika. Masaya na ko kung ano meron kami. Nagalit talaga ako. inexplain ko sakanya yung situation namin: Siya, kaka-break lang nila ng gf niya, same din with me. Ang pangit kung papasok kami sa ngayon sa isang relasyon. Na alam naming meron pa kaming nararamdaman doon sa mga taong yun. Ayaw ni FL i-accept yung reason ko kung bakit ayoko. Hindi na siya nag reply. Hindi na rin siya ulit nagparamdam…
to be continued..
© 2011, Shakerules Diaries. All rights reserved.