Shakerules Diaries, Submitted Stories & Letters, Tagalog Love Stories
No Comments First Love … True Love .. Part 11
Nasa opisina na ko.. pero si FL pa rin ang nasa isip ko. Bakit nag kita ulit kami? ang liit talaga ng mundo. bakit?? Paulit ulit kong iniisip. Lunch break, sinilip ko friendster account ko (oo, sikat pa friendster noon, hindi pa masyado kilala facebook). May new message.. hindi ko kilala yung username. binuksan ko:
“uy, nakita kita sa mrt ha? kumusta ka na?”
hindi ko na ma-emember yung nafeel ko.pero alam ko na kung kanino galing pakatapos kong basahin yung maikling message. pero para i-confirm binuksan ko pa rin yung account. kay FL nga! Sa loob loob ko, masaya ako. namiss ko rin naman kasi talaga siya.
Alam ko, unfair kay TL to. hindi ko naman kasi mapigilan sarili ko. Iba ***** kasi talaga yung tama ko kay FL noon. andami pa kasi talagang “what if’s” ang nasaisip ko. ganun kasi siguro talaga yung feeling sa mga first love o sa mga “one-that -got-away”. so, yun na nga.. nagsimula nanaman communication namin ni FL.
Nalaman ko dito na siya nag tatrabaho since 2007. kasama niya dito yung gf niya (yung ex niya nung huli naming pagkikita), sila nanaman pala ulit. Lagi nakaming nagchachat si YM (oo, alam ko na ring gamitin yan, hehe!). naging magkaibigan ulit kami.
Nagkasundo kami minsan ni FL na magkita. nag dalawang isip ako nung una kasi feeling ko mali. Pero inisip ko nalang magkaibigan naman kami diba? ano masama dun? yun yung lagi kong iniisip. hindi ko nga lang masabi kay TL. but i know, it’s still wrong. iba yung nararamadaman ko.
Nagkasundo kami magkita sa coffee shop. after office. Papunta nako sa meeting place. ayun, sumasakit nanaman yung tiyan ko (again, hindi rin ako natatae, hehe), Nauna ako sa meeting place. (excited!) ano ba to. am i cheating on TL? hindi naman, pero bakit feeling ko this is all wrong?? Nag order na ko ng kape ko. katext ko na si FL. papunta na daw siya. haay, sumasakit talaga yung tiyan ko, totoo pala yung ‘butterflies’ sa tiyan. haha!
Dumating siya 10-15 mins after kong dumating. Ang gwapo na niya talaga. wala na yung slightly long hair niya. marunong na rin siya mag gel. ang bango niya pa. ano ba tong iniisip ko! nagkumustahan kaming dalawa. Nagla-itan. sinabihan kong bakit ang panget at payat payat na niya (sa totoo lang iba yung gusto kong sabihin) nakwento niya na baka bumalik na siya sa probinsya, nag resign na daw siya sa trabaho niya, mag masteral daw siya doon. aba, seryoso na sa buhay si FL, na isip isip ko. Kinumusta ko sila ng gf niya. hindi siya umimik. In-open niya sakin na nagkakalabuan daw sila, kasi gustong makipag break sakanya nung gf niya and aalis na daw ng pinas yung babae. Nakita ko naman sa mata niya yung sincerity at lungkot niya. Pero pilit siyang ngumingiti. Nung pansin kong masyado ng seryoso yung usapan.. pinutol ko na yung conversation. nag change subject ako. Napansin niya yata. “tara, nagdinner ka na ba?” tanong ni FL. “bakit manlilibre ka?” biro ko sakanya. Kumain muna kami sa isang restaurant (sosyal, hindi na siya nagyaya sa fast food). Ang laki na talaga ng pinag bago niya. Pero andoon pa rin yung pagiging makulit at joker niya. Ang saya ng dinner namin.
Pagkatapos naming kumain, naglakad na kami papunta sa sakayan ko. binitbit nya yung mga dala ko. ang saya niya kasama, namiss ko talaga siya. nagbibiruan nanaman kami. ‘Mali talaga to’ laging pumapasok sa isip ko. Pero masaya ako ng moment na yun. ok lang naman maging masaya diba? pero alam kong mali talaga. Nasa sakayan nakami. Gusto niya pa akong ihatid sa apartment ko. Gustong gusto ko yun. kaso pinigilan ko sarili ko. Sabi ka huwag na, sobrang out of the way na siya and malayo pa uuwian niya (alabang). Pumilit siya, gabi na daw kasi. baka may mangyari pa sakin (naks, touch talaga ko, kung alam niya lang). Pero pinagdiinan ko na huwag. sumakay nako ng FX. Gusto ko siya i-hug, hindi ko nagawa, mali diba?. so ayon, iniwan ko nanaman siya.
Nasa apartment nako, tiningnan ko cellphone ko (yup, meron na rin ako niyan). Nagtext pala si TL. tinatanong kung naka uwi na ko. lagot! 2 hours ago pa yung text. ano sasabihin ko?? ano ba to! para talagang may mali akong ginawa. di ko masabi yung totoo kay TL. feeling ko i’m cheating, pero hindi naman. I’m cheating technically diba? ex ko yung kasama ko, ang malupit pa, iba yung nararamdaman ko. Nakonsenya naman ako (meron naman ako nun). Ano ba ‘to! bakit pa kami nagkita ulit ni FL?
Kachat ko minsan si FL sa YM. kukuwentuhan kami. ewan ko ba, biglang napaseryoso yung usapan namin. napag usapan namin yung nakaraan. kung bakit kami nagbreak. kung bakit nagka ganun kami, eh di sana daw siguro kung hindi nangyari yun, siya daw ang nag aalaga sakin, siya daw ang nasa tabi ko ngayon. “eh, bakit mo kasi ginawa yun!” sabi ko sakanya, habang napapaluha na ko. For the first time, inexplain niya yung buong istory noon. yung hindi ko tinapos pakinggan kasi nga humahagolgol nako. Nag sorry siya. Hindi niya daw intention yun, at hindi niya rin daw in-expect yun doon sa babae kasi kaibigan niya daw yun. Pinagsabihan niya yung babae. Tapos minsan daw, pinatawag niya sa bahay namin yung babae para mag explain. kasi nga hindi ko na siya kinausap at pinakinggan noon. May times din daw na dumadaan siya sa bahay namin para makita lang ako. (naks! natouch naman ako). Tsaka sinabi niya din sakin na nagtampo siya nung gusto niyang maki balikan at hindi ako pumayag. Inexplain ko din sakanya. Sa wakas, nagka-intindihan na kami. nasabi na namin lahat na gusto naming iparating sa isa’t isa.
Pero, it’s too late na nga. Meron na akong ibang mahal. meron na kong TL. meron na saking nag aalaga. meron ng isang taong lagi nasa tabi ko. Hindi naman ako totally nagsisi sa mga nangyari. It leads me to TL diba? tska mahal ko kasi si TL. Bakit pa kasi kami nagkita ulit. bakit?
Siguro nga para magka ayos lang kami, para magkaroon ng formal na usapan. siguro nga… Napagkasunduan namin na maging magkaibigan nalang kami with constant communication. mabuti na yung ganun diba? alam namin kung saan kami lulugar, kung saan siya lulugar. ok na kaming magkaibigan. period.
nakalipas ang ilang buwan, ganon na nga, magkaibigan kami. paminsan minsan magka chat.pero hindi na kami ulit nagkikita. mahirap na. Hindi ko masabi ang lahat ng ito kay TL. mahirap na. seloso pa naman siya. Basta alam ko sa sarili ko na wala naman akong ginagawang masama. masama bang makipagkaibigan sa ex?? hindi naman dapat diba? – yun ang paniniwala ko noon.
Umuwi na sa probinsya si FL. mag aaral ulit. Pero ganoon pa din ang communication namin, chat, text. Sa di inaasahang pagkakataon din, nag resign na ko sa trabaho ko. Napagod na din kasi ko. Gusto ko na maghanap ng ibang trabaho. Pina-uwi muna ako ng nanay ko, try ko daw maghanap ng trabaho doon sa probinsya.
Syempre, ang hirap samin ni TL. Umiyak siya sakin, ayaw niya kong payagan nung una. pero, naintindihan niya naman ng huli. inexplain ko naman kung hindi ako makahanap doon, babalik ako agad dito. bahala na. Natatakot din ako, hindi kami sanay sa long distance relationship. hindi namin alam kung kakayanin. again, bahala na.
to be continued..
© 2011, Shakerules Diaries. All rights reserved.