First Love … True Love .. Part 14

Pabalik ng manila, I was on the bus, crying my eyes out. grabe. ngayon lang ako sakanya umiyak ng ganito.. I really have to forget all about him. Why does it hurt so much?? Bakit kasi hindi nalang kami magkaibigan ulit? bakit pa kami nagkita ulit? bakit hindi na pwede. I realized, hindi talaga lahat ay para sayo, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. sigura nga, hindi kami para sa isa’t isa. . .Kailangan ko na talagang kalimutan si FL.

Ilang days ang nakalipas.. I was too busy looking for a job. I was almost penniless, buti nalang, i had some luck. I landed on an international company. So, meaning… may shifting ako, lalo na nasa IT dept.  It was a big factor samin ni TL. . . ( oo, ok pa kami, maayos pa naman relasyon namin… oo, hindi ko na sinabi yung tungkol kay FL. and i intend to keep it a secret).

for the next few months, ok pa arrangement ng sched namin ni TL. We find time para magkita. we had dinner every night. We go out every weekend. Kahit medyo hassle sakanya, since magkalayo yung mga office namin. But hindi ko nakita na nahihirapan siya. at hindi rin naman siya nag rereklamo.

perfect na ang relationship namin. our friends are already asking kung kelan na kasal namin. kaso lagi kaming walang concrete plans. and sa department na yan, medyo hesitant pa ako. oo, pinag uusapan na namin yung future (lahat naman ng magkarelasyon, at some point pinag uusapan na yan). but, for me, it’s too early. Hindi pa ako handa. takot pa ako..  Oo, mr perfect na si TL. nasa kanya na lahat, alam kong magiging stable ang life ko. alam kong ma-aalagaan niya ko for the rest of our life. He’s going to be a perfect father for my children…

but… hindi pa talaga ako handa. Lagi kong sinasabi sa kanila, na i need to support pa my younger brother since siya nalang nag aaral, na my father still expect more from me. kaya hindi pa ako pwede mag asawa. Pero, honestly… hindi pa ako handa emotionally… hindi ko alam if malaking factor pa si FL. Am i still hoping na magkakabalikan kami?? yup, mali di ba? unfair ng sobra sobra kay TL.

I need more time…baka mahimasmasan na ako di ba? masampal at mabatukan na talaga ako ng realidad na this is my destiny. TL’s my destiny.

June 2009… big turning point ang dumating sa buhay ko… Isa ako sa mga napiling i-dedeploy sa ibang bansa.. 1 year lang naman daw… Ewan ko, i was happy and at the same time, sad… Sad.. kasi, hindi ko alam kung kaya ko yung isang taon na hindi makasama si TL. takot din kasi, wala akong pamilya at walang kakilala. Bahala na.

Supportive naman si TL. Nung una, nagtatalo kami, kasi he wants na magpakasal muna kami bago ako umalis. yet ayaw ko pa talaga. ayoko naman maging reason kung bakit ko siya papakasalan is aalis ako, parang assurance na babalik ako sakanya. Nainis talaga ako. Sa side ko, ang feeling ko, wala siyang tiwala sakin. wala siyang tiwala sa relasyon namin. Para sakin, malaking factor na yung isang taon kung masurvive namin yun. it means, we’re really meant for each other, else, hindi talaga. right??

So yun, a month before my departure, everything was all set.. everyone was so supportive. ok na rin si TL. nagka-intindihan naman na kami. We made a promise.. we’ll wait for each other. he’ll wait for my return. we’ll keep our communication constant.

we made a promise not to break those promises..

first few weeks on a foreign country was a big shock to me. rollercoaster yung emotions ko noon. lagi ako umiiyak mag isa sa apartment. takot, lungkot, minsan masaya, excited, tapos lungkot ulit. pumayat ako ng sobra. aside sa trabaho doon, wala na ako ibang ginagawa. wala pa ako ka-close sa opisina. Iba talaga pag hindi mga pinoy ang kasama mo. culture shock talaga ako.  With regard naman samin ni TL, ok yung communication namin, email, call, chat. Nababawasan yung lungkot ko pag kausap ko siya. pero everytime na matapos calls niya, lalo ko siya namimiss…

after a few more months.. consistent pa rin yung communication namin, may mga little arguments na lumilitaw na hindi naman namin dati pinag aawayan. but sa huli, napag -uusapan din naman namin. Naka adjust na rin ako, may mga kaibigan na rin. I thought everything was going to be a smooth ride from then on… di ko mamamalayan tapos na isang taon.. but then, i was wrong…

2 more months, i’m going back na sa pinas…  1 week ng di nagpaparamdam si TL. I was getting worried. nung mga 2 to 3 days, understandable pa kasi, minsan busy lang talaga siya. pero after a week na wala pa. may iba na akong nararamdaman. I tried to call him, hindi siya sumasagot, and he never call me back. nawala ba phone niya?? ano?? ang dami ko ng naiisip. . .  I called my sister, tanong ko kung may balita siya kay TL. since nasa province nga yung sis ko and nasa manila si TL. malamang wala siyang balita. then i emailed TL’s sister, di rin nag rereply. di ko na matawagan kasi nagbago yata ng number yung sister niya.

a month passed.. paranoid na talaga ako! lagi kong chinecheck emails ko, cellphone ko, tried to call his cellphone. di ko na siya matawagan. imaginin niyo nalang yung anxiety ko noon. ang dami ko ng iniisip na sana hindi naman.  then one day, may email… from TL. from his email:

“A****, sorry, you really don’t deserve such a person like me. Alam kong dapat sabihin ko to sayo over the phone or personal, pero i don’t have to courage or face to do so.  You need to forget all about me. Alam kong hindi mo ko mapapatawad sa nagawa ko, kahit bugbugin at patayin mo ko, i’ll accept it. Kung yun ang paraan para mabawasan man lang ang sakit na mararamdaman mo.

It was a big mistake. Pero wala na ako magagawa. i need to face the consequences. J****, is caring my child. and napagdecisionan ko na na pakasalan siya. I’m really sorry..”

(hindi ko na isusulat dito yung buong laman ng email…)

after reading those words, feeling ko, nagjojoke lang sakin si TL. feeling ko it’s all a lie. hindi kayang gawin sakin yan ni TL. naisip ko baka, may ibang bumukas ng email niya at e-nemail lang sakin yun pang asar.  siguro ilang beses kong binasa paulit-ulit yung letter. hindi pa ako umiiyak. wala akong maramdaman na emotion.

after a day, hindi pa rin nag sisink-in sakin yung email. feeling ko junkmail lang yun. then, i tried to call his number… nag ring.. may sumagot… si TL. Nung una di siya kumikibo… “totoo ba yung email?” una kong natanong sakanya.. silence …
“sorry…” sabi ni TL “alam kong you deserve a better explanation, but hindi ko alam kung papano sasabihin sayo. pasensya na talaga” narinig kong umiiyak na siya sa kabilang linya.. hindi ako maka kibo.. hindi ko alam kung galit ako o ano, pero hindi ako umiyak. nagsasalita siya sa pero di ko na siya maintindihan. na feel kong uminit yung mga pisngi ko. narinig kong sinabi niya na kailangan ko na siyang kalimutan, i deserve a better man daw than him. sana mapatawad ko daw siya, kahit na hindi man kaagad. . . nag  bbye na siya. hindi ako kumibo. binaba ko yung phone… pumasok ako ng CR (nasa office kasi ko noon).. hindi ko na napigilan yung luha ko. Umiiyak ako ng sobra sobra… ang sakit. sobrang sakit…  ilang buwan nalang, babalik na ko di ba?? bakit di mo ko nahintay?? bakit??? san ako nag kulang??

grabe yung sakit na naramdaman ko, hindi ko lubos maisip kung bakit ni TL nagawa yun sakin. I thought he’s the one. I thought wala ng hihigit pa sakanya.. kung kelan handa na ko na pakasalan siya. saka naman siya magpapakasal sa iba. ano to? lokohan?  galit na galit ako sa mundo noon.

Kahit mahal yung inumin, bumili ako ng sangkatutak na beer. nagpakalunod ako. walang kwenta talaga mga lalake. papa -asahin ka lang sa wala. nag promise siya na hihintayin niya ko diba?? isang buwan nalang eh. bakit di ka nakatiis??? ganon ba ko kabilis ipagpalit?? ganon ba kabilis kalimutan yung ilang taon naming relasyon?

Buti nalang i have my work to keep me busy, kung hindi, ewan ko kung san ako pupulutin. wala ako makausap tungkol sa private life ko, wala ako maiyakan, wala ako malabasan ng sama ng loob. ang hirap. namiss ko bigla yung mga kaibigan ko, bakit sakin nangyari to. kala ko sa mga pelikula at drama lang to nangyayari. ang hirap kapag na disappoint ka ng sobra sobra ng isang taong pinagkatiwalaan mo ng grabe. I never thought he could do such a thing. I thought he was my  perfect man. hindi pala.

Ilang weeks nalang, i’m going back na. My supervisor talked to me. He gave me an offer to extend my stay. 2 months ago, siguro i’ll reject that offer right away. Pero now, maiintindihan niyo ko kung bakit ayaw ko muna bumalik. ayoko makita si TL at yung babae niya. It’ll be a big blow if ever magkasalubong kami sa isang mall or kahit saan man sa manila. So yun, i decided to stay…

November 2010…

I was with my officemates, taking our lunch break at some small restaurant… “a****?” may nagtanong sa likuran ko. then that person tapped my shoulder. Paglingon ko, (oo, nagkita nanaman kami) . . . si FL. what’s he doing here? hypocrite naman ako kung sabihin kong hindi ko siya nakilala kaagad. Ewan ko ba, I was so glad to see him. I introduced him to my officemates, then i excused myself, para makausap siya ng matagal. Ang pagkakataon nga naman talaga..

It turns out, 5 months na siya nandoon.. and the weirdest thing pa.. 1 block away lang yung building office niya. I thought he was just joking. hindi kasi ko naniniwala sa faith/destiny etc.
Sa limang buwan, di man lang kami nagkasalubong? bakit ngayon lang kami nagkita? weird talaga.

I didn’t tell him na wala na kami ni TL. He never asked. twice or once a week we have lunch together. Hindi ko rin pinapakita sakanya na depressed pa rin ako. Ayoko pag usapan namin baka umiyak lang ako bigla sa harap niya.

Tama na yung masaya kami pag magkasama, iba kasi pag may kaibigan ka sa ibang bansa. pangpawala ng stress. nakakalimutan ko yung mga problema, ang saya makipag usap na hindi ka na mag iisip ng sunod na english word. (hahaha!) Minsan, hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko si FL. di makapaniwalang after 2 years lang magkikita ulit kami. si God talaga. siguro alam niyang kailangan ko ng kaibigan that time, kailangan may magpasaya sakin.

December 2010….

Nabigyan ako ng chance makauwi sa pinas at magbakasyon for 2 weeks…

nag dinner kami ni FL 2 days before i leave. nung kumakain kami…..”wala na pala kayo ni ****.” sabi bigla ni FL. Napatingin ako sakanya. “ha?” yun lang nasabi ko. ewan ko ba, nung narinig ko yun na sinabi ng ibang tao iba talaga yung dating sakin. parang binato nanaman yung dibdib ko ng sangkatutak na bato. Ang sakit. “pano mo nalaman?” pilit ko tinanong sakanya. “wala ng singsing sa daliri mo.” tinuro yung bare ring finger ko na may konting bakas pa ng halos 5 years na singsing. (oo, may couple ring kami ni TL noon, he gave it to me during our 1st yr anniv). Hindi ako umimik. naiiyak na naman ako. ayokong makita niyang umiiyak ako. Napansin yata ni FL na ayoko pag usapan. Nag change topic siya. binilin niya yung mga papabili niya sa pinas. nag kwentuhan nanaman ulit kami.  pero nasira na talaga yung mood ko. So nung hinatid niya na ako sa sakayan. “ok lang yan A****, andito lang ako.” sabi bigla ni FL. . . ewan ko ba, gumaan ng konti yung pakiramdam ko. oo nga naman, andiyan siya. malaking pasalamat ko talaga. he’s keeping me strong. his presence in my life made me think twice that, not all men are the same. at kaya kong mabuhay na wala si TL.

Pinas.. I celebrated christmas sa probinsya with my family. Disappointed yung nanay ko kay TL. kasi botong-boto siya dati sakanya. Close na kasi si TL sa family ko. Ganoon din ako sa family niya. Kaya all along, alam nila kami ni TL ang magkakatuluyan. nakwento ng nanay ko na pumunta daw sa bahay minsan yung nanay ni TL. nakwento daw, at humingi ng sorry. Wala naman akong galit sa family niya. He’s at fault hindi sila.

Alam na ng ilang close friend namin ni TL yung nangyari. Some, would blame TL’s girl. malandi daw kasi yun. na shock din daw sila sa balita ngang ikakasal na si TL at hindi ako. So, may date na nga yung kasal, at totoo talaga pala (in the back of my head, minsan iniisip ko pa rin na hindi totoo yung mga nangyayari, nasa denial stage pa yata ako noon). Masakit eh, sino naman ang hindi masasaktan di ba? minahal ko siya ng sobra. hindi ko alam kong makaka-move on pa ako..

Nasa province din pala si TL. Pumunta ng bahay. ‘walang h-ya talaga siya, ang lakas ng loob niya magpakita sakin!!!’ insip ko noong nakita ko siya sa sala namin. all my emotions are about to explode. yung mga pilit kong tinatagong emosyon ay pilit na lumalabas, galit, sakit, lungkot, galit (ulit). Yun, since di naman ako brutal talaga, kahit gustong gusto ko siyang sampalin, bugbugin, idikdik ang mukha sa sahig, hindi ko magawa. Para akong naging bato. di ako makagalaw. nakatitig lang ako sakanya. Nagsasalita siya. Nag sosorry. Umiiyak na siya. Hindi daw niya sinasadya. Kung pwede nga lang daw burahin lahat, pero wala na, it’s too late. may damages na siyang nagawa. Knowing ang ugali ni TL. papanagutan niya talaga yun. even if ako yung i-sasacrifice niya. Ang sakit talaga. Bakit kasi umalis pa ako. Siguro nga hindi para sakin si TL.  Nagpasalamat nalang ako sakanya (with a straight face), sana he made the right choice. and nag goodluck nalang ako sakanila. In a way, gumaan  yung bigat ng dibdib ko. Para bang nabunutan ako ng tinik. Tama nga sigurong nakausap ko siya even for the last time. Alam ko kasi, kahit maging kaibigan, ayoko na siya ulit makita. Siguro not for awhile, siguro pag matanda na ako at nasa death bed na ako.

All in all, naging masaya naman ang bakasyon ko, kahit saglit nga lang. at kahit may dramang nangyari. It was worth the trip..

 

to be continued..

 

© 2011, Shakerules Diaries. All rights reserved.

Got anything to say? Go ahead and leave a comment!

Get Adobe Flash player
This site is protected by WP-CopyRightPro