Browsing "Tagalog Love Stories"

Mahimbing Sa TELEPONO

 

 

 

 

 

 

 

Lulan ako ng bus kanina, habang pauwi. Tinawagan niya ako para hantayin ako makauwi. Nagtampo kasi ako sa kanya kahapon nung hindi niya ako maantay makauwi’t gusto na niyang matulog. Mali ko rin yun, pero as usual, nagpapalambing lang naman ako. Medyo matamlay na ang kanyang boses, marahil na rin siguro sa pagod at sa antok. Kalahating oras pa bago ako makauwi sa amin, pero nagsisimula na siyang tumahimik. Naubusan na rin ako ng makwento kaya’t hindi na rin ako masyadong nagsasalita. Inaantay na lang niya akong makauwi.

Medyo pumipikit na rin ang mga mata ko, dahil na rin siguro sa lamig ng bus at sa pagkahilo sa byahe. Sabay tugtog ng “Heaven Knows” sa radyo. Sabi niya sa akin, wag daw akong madaldal at pinapakinggan niya yung kanta. Sinabayan ko na lang ang kanta.

Naging habit ko na ang pag kanta sa kanya, lalo na sa mga panahong nahihirapan siyang matulog. Alam kong hindi kagandahan ang boses ko, pero hindi pa naman pumalya. Naalala ko noon, gumagamit pa siya ng sleeping pills para lang makatulog ng maaga. Pero ngayon, hindi na. Siguro dahil na rin sa trabaho, kaya’t nakakatulog siya kaagad. Pero, kahit papaano, nagagawa ko pa ring kumanta sa kanya hanggang sa siya’y mahimbing.

Ang sarap lang sa pakiramdam kapag sinasabi niyang, “Kantahan mo na lang ako” sa tuwing hindi siya nakakatulog. Kahit gaano siya kalayo, napapangiti pa rin niya ako sa isang iglap lang. Walang mintis.

Natahimik na ang telepono. Tunog na lang ng mga sasakyan ang naririnig ko. Naririnig ko ang pag lalim ng kanyang pag hinga. Mahimbing na siya sa pagkakatulog, habang naglalakad ako sa Quirino Highway. Gusto ko pa sanang pakinggan ang kanyang paghimbing, pero kailangan kong sumakay sa maingay na tricycle. Baka magising lang siya kung nagkataon, kaya’t binaba ko na muna ang telepono.

Gusto ko pang pakinggan ang paghimbing mo. Kahit sa telepono lang, mahele kita’t mabantayan sa pagtulog mo. Para maramdaman mo na hindi kita pababayaan, kahit malayo ako sa’yo.

Naabot ko din ang pinapangarap ko

 

 

 

 

 

 

 

BOY: Pwede ba kita mahawakan kahit saglit?
GIRL: Hawak lang naman pala eh sige. Pero bakit?

( Kinuha ni boy kamay ni girl at biglang ngumiti )

GIRL: Oh eh ano nginingiti ngiti mo?
BOY: Wala lang. Natutuwa lang ako.. Kasi..

Sa wakas. Naabot ko din ang pinapangarap ko…

First Love … True Love .. Part 15: Ending

January 2011

Bumalik na ako ulit sa trabaho… naging masaya na ulit ako. not totally, pero mas normal na ako compare nung mga nakaraang buwan, para ngang nag retreat ako sa pinas.. Si FL naman, hindi pa rin namin masyado pinag uusapan tungkol kay TL. he still doesn’t ask. Pero, nararamdaman kong pilit niya kong pinapasaya. kahit walang okasyon, tinetreat niya ako, kahit kape lang or ice cream. in fairness naman din sakanya, he doesn’t take the opportunity. he’s careful with his moves. alam niyang may limit lang ang pagkakaibigan namin. Masaya na ako doon.  contento na ko.

isang araw, di ako naka pasok sa opisina, ang sama ng tiyan ko. sinusuka ko lahat ng kinakain ko. nahalata na yata ng katawan ko lahat ng stress na binibigay ko sakanya. Since, ako lang mag isa sa aprtment, wala akong maasahan kundi sarili ko. i tried to feed myself, i tried to get as much rest as i can, baka madaan lang to sa pahinga.. but i was wrong..

2 days passed, i wasn’t feeling any better. Naisip ko na pumunta na ng hospital to get a checkup pero inisip ko baka wala lang to, konting pahinga pa kailangan. Naisip ko ng tawagan si FL, pero pinipigilan ko sarili ko. kakahiya naman kasi. ano ako? gf niya? haist… that moment namiss ko bigla si TL. namiss ko yung feeling na alam mong merong isang tao na mag aalaga sayo. Naiyak ako, na homesick nanaman ako. Hindi ko alam kung dahil sa masamang pakiramdam ko o talagang sumakit yung dibdib ko. I felt so lonely.

Ring.. nagising ako ng cellphone ko.. si FL, tumatawag. “a****, busy ka? samahan mo naman ako maglunch” sabi ni FL. oo nga pala, lunch na, wala pa rin akong appetite. “hindi ako pumasok eh, sensya na di kita masasamahan” sagot ko kay FL. “ha? bakit? ok ka lang? bakit ganyan boses mo?” anya ni FL. tama ba tong naririnig ko, mukhang worried si FL? sabi ko ok lang ako, nagpapahinga lang. Nagpaalam siya sakin kung pwede siya dumalaw at kung may papabili daw ako. well, hindi ko alam kung na excite lang ako sa idea na dadalaw si FL or sumakit lang talaga lalo yung tiyan ko.

I tried to make my pad as decent as possible, nakakahiya naman makitang niyang mukhang bahay ng baboy yung tinutuluyan ko. ano ba ‘to? bakit ako na eexcite?? mali ba ‘to? nagpapanic ako. ilang minuto ko rin nakalimutan na may sakit pala ako.

di ko namalayan andiyan na si FL. pagbukas ko ng pinto.. ayun oh! naka smile si FL. may bitbit na grocery bag. i realize hindi pa rin talaga nagbago si FL. he has the same smile. Naalala ko tuloy nung bago naging kami, yung dumalaw siya ng christmas just to make sure na hindi ako galit ng naputol yung linya ng telepono. yun din yung smile na nakita ko noon. Lumakas yung kabog ng dibdib ko. “o! ano nangyari sayo? bakit ganyan itsura mo?” tanong ni FL. oo nga pala! hindi ko na ayos sarili ko!, kasi naman, sa lagay kong ‘to maiisipan ko pa bang ayusin yung sarili ko?  Mukha na daw akong bangkay, nag oover react lang yata to si FL, pero pinipilit niya kong pumunta na ng hospital, to get a checkup. hindi daw siya aalis dun hanggat di kami pupunta ng ospital. so yun… alangan namang mag matigas pa ako di ba? so pumunta na nga kami..

sa hospital.. it turns out nagka foodpoisoning daw ako, well that explains my frequent vomitting… at dehydrated na daw ako, that explains kung bakit mukhang bangkay na ako. i need to be confined. “*** kasi, kung ano ano kasi kinakain mo.. bakit kasi hindi mo ko tinawagan kaagad?” pagalit na  sinabi ni FL with his worried look in his face. Di ko napigilan tumitig sakanya.. ngayon ko lang na realize.. there’s still someone who cares. and andito siya ngayon sa harap ko, hindi pa rin naman pala ako nag iisa. andiyan si FL.  Eto yata dahilan kung bakit ulit kami pinagtagpo, kung bakit sa laki ng mundo, nagkita ulit kami. Si Lord talaga, alam niyang at this moment, i’ll need someone. Naluha ako sa harap ni FL. Di ko na napigilan. “sorry…” bigla ko nasabi kay FL.

3 days din akong nasa hospital.. all those days, nandoon si FL. para ko nanaman siyang naging tatay, kuya at bestfriend. nakakahiya man isipin at the end of the day, pero malaking pasalamat ko talaga sa kanya. Even after i was dismissed, nasa apartment ko na siya lagi, eventhough may lakas na akong alagaan yung sarili ko, kumakatok pa rin siya sa pinto, at laging may dalang pagkain. making sure siguro na i’m eating the right food and taking my meds. Ang sarap ulit ma feel na may nag aalaga sayo at may taong concern sayo. i thought after mawala sakin si TL, i was on my own… now, i know i was wrong. Andiyan si FL.

After a month, mas naging frequent na lunch dates namin ni FL. Mas naging close na kami. Ewan ko ba, bakit ang lakas nanaman ng kabog ng dibdib ko pag kasama o kausap man lang si FL. Tama ba ‘to? I know it’s not even a year after nawala sakin si TL,  i’m not sure pa nga if i’m totally over TL. Kasi paminsan minsan naiisip ko pa rin siya. Naiisip ko pa rin yung mga ‘what if’s’ namin ni TL. Pero, one thing is for sure, i still haven’t forgiven TL for what he’d done, for leaving me broken, for breaking all those promises. Sana nga lang, dumating ang araw na mapatawad ko siya or ma-accept man lang lahat ng nagawa niya sakin. Sana… ayoko naman na habang buhay ko dadalhin ‘tong galit na ‘to.

March 2011

I received a call, unknown number, it turns out, officemate and housemate ni FL, Pilipino din, they we’re organizing a small surprise party kay FL, oo nga pala mag bibirthday na siya. well, ginawa nila akong kasabwat. all those times, i wasn’t even questioning kung bakit nila ako kilala, siguro nakukuwento lang ni FL. My job was to take FL somewhere and make sure he comes home a little late, to give them time para ma-prepare yung party essentials na kailangan.  “Sure, no problem, ako na bahala kay FL” sagot ko sa kaibigan niya.  So i had a plan..

on his birthday.. “Bes, (new petname ko sakanya), Happy Birthday!!, kala mo nakalimutan ko na nho? saan mo ko treat?” pabiro ko kay FL. “Salamat, gift mo sakin muna?” patawang sinasabi ni FL. “Ha, syempre treat mo muna ako, bago ko ibigay yung gift ko sayo.” sagot ko sakanya. “Sige, sunduin kita sa office mo mamaya, ok?” sabi ni FL. Yes! he took my bait.

After office..  He was waiting in the lobby, he looks different today, siguro nagpa haircut, or new polo? i can’t figure it out. Pero, there’s certainly something… siguro nga tumanda lang siya.  We we’re walking .. ang kulit niya today.. ang dami dami niyang kinukwento.. he can’t stop talking..  We stopped infront of a dessert shop.. nag order siya “ano sa’yo? pili ka lang! sky’s the limit” he joked. “yung ‘chendol’ nalang, (a local fave dessert),” i answered.

He ordered a lot!! ewan ko ba sa taong tao, may sweet tooth kasi siya, he loves sweets, kabaliktaran ko, which means ayaw na ayaw ko sa matatamis. I gave him my gift, it was something simple and stupid, mahina kasi ko sa department na yan, mahina ako pumili ng regalo for guys. In fairness naman, he loved it, or maybe i thought he did. well, wala naman siyang pinakitang pagka-dismaya.

We stayed there for almost 2 hours, oo sobrang tagal namin dun, ewan ko nga ba kong bakit ang tagal namin doon, pinilit ko kasing pagkwentuhin siya ng matagal, since nasa mood naman siya magkwento. Ang tagal kasi ng ‘go’ signal nung kaibigan niya. . Ring.. may tumatawag kay FL.. nag excuse siya, sagutin niya lang daw yung call. it turns out, yung kaibigan niya daw, pinapauwi na siya kasi, hindi daw makapasok sa aprtment naiwan sa loob yung susi. ‘nice, excuse’ i thought to myself. yun na yata go signal niya.  “Gusto mo sumama?” pabirong sinabi ni FL. “tara! di pa rin naman ako nakakapunta sainyo..” sagot ko sakanya. “talaga? sasama ka?” with a grin on his face. Sabay binatukan ko siya. “sira ulo ka talaga, tara na nga..” My heart did skip a bit.. i don’t know kung ano iniisip ni FL, bahala siya…

Nasa building na kami, we walked in the elevator. ang tahimik na ni FL. Bakit kaya? kanina lang ang kulit niya. Kinakabahan na ako, at excited na ako sa magiging reaction niya.. i was smiling. I did my best to do my part.  Pagdating namin sa floor niya.. he was scanning the hall, hinahanap yata kaibigan niya na nalock-out daw. So, unconsciously binuksan niya na pintuan nila… “surprise!!” his friends shouted.. he was smiling. unconsciously din, he holds my hand. Nabigla din ako. He was gripping my hand tightly.. pilit kong inaalis yung kamay ko sa pagkakahawak niya. pero di niya talaga binibitawan. Tumingin siya sakin with a patay-ka-sakin-mamaya look. Napangiti nalang ako sakanya, while my heart was beating so fast… ano ba ‘to?

He was greeting his friends while holding my hands, pinapakilala niya ko sa kanila, they we’re so nice. mga pilipino din. Ang saya mapaligiran ng mga pilipino, feeling ko nasa pinas ulit ako.

Nakatakas din ako sa grip niya ng nag excuse akong pupunta ng CR. i did, pero paglabas ko ng comfort room, di muna ako lumapit sa kaniya.. I was observing him.. I can see on his face how happy he was, napansin ko din na iba na si FL. Ibang iba na siya compare dati nung mga estudyante palang kami. He’s more outgoing, kung dati ‘rakista’ ang porma niya, ngayon.. with his clean look, iisipin kong ibang tao siya.

I didn’t realize, he was also staring back at me. Na feel kong uminit yung mga pisngi ko. napangiti nalang din ako. Kinakawayan niya ako, lumapit daw ako.. which i did. “sorry ha? tinawagan lang din ako ng kaibigan mo.” unang nasabi ko sakanya. “since, mabait ako, pumayag ako.” He was just staring at me with those ‘smile’… (ang corny, pero kinikilig pa din ako hanggang ngayon).. then sabay niyakap niya ako. “thank you!” sabi ni FL. Feeling ko matutunaw ako at that moment. Feeling ko nga din na feel niya yung lakas ng kabog ng dibdib ko.

After ilang oras, nagpaalam na ko. Medyo malayo pa kasi uuwian ko from there. Hinatid nalang din ako ni FL sa bus stop, while we were walking.. “salamat a**** ha? sensya na, na drag ka pa papunta dito..” sabi ni FL. “ano ka ba, ok lang, birthday mo naman.” sagot ko sakanya. “kala ko pa naman kung bakit ka pumayag sumama sakin.” sabay sabi ni FL. “ahhh? bakit ano inisip mo? ikaw ha!” pabiro ko sakanya. kaya pala wala siyang imik nung nasa elevator kami. Tinawanan ko nalang siya. “ano wish mo?” para ma-change topic ko.. “secret, akin nalang yun.” sabi ni FL. “ano nga?? dali!” kinukulit ko lang siya, para mawala yung awkwardness na nafefeel ko. huminto si FL, sabay inabot yung kamay ko. “gusto mo talaga malaman.?” tanong ni FL. hala! mali yatang tinanong ko pa! “sana, ma in-love ka ulit sakin tulad ng dati.”… wapak! hindi ko alam kung ano isasagot ko at that moment, wala lumalabas sa bibig ko.  “sana maging tayo ulit.” ang sakit nanaman ng tiyan ko… nafeel kong umakyat sa pisngi ko lahat ng dugo sa katawan ko. Ano dapat isasagot ko?? nag papanic talaga ako.. “ok lang din a****, kung hindi pa ngayon, alam kong hindi ka pa handa, hindi ko man alam kung bakit kayo naghiwalay, hindi ko man alam kung gaano kabigat yung nangyari sainyo, pero sana, huwag mo isasara puso mo sa akin. ok lang din naman sakin, contento pa rin naman akong nakakasama ka at naproprotekthahan kita. Bigyan mo lang ako ng chance. Bigyan mo ulita tayo ng chance.” at tulad ng dati hinalikan niya ko sa noo at niyakap.

Dumating na yung bus… nanlalamig pa rin yung kamay ko. confused pa rin ako. Pero bakit parang inexpect ko na ‘to? parang inantay ko na sabihin niya yung mga yun sakin? Mali ba ‘to? It was mixed emotions. Handa na nga ba talaga ako? oo inaamin ko, mahal ko pa rin si FL. Pero… hindi ko pa kasi alam sa sarili ko kong magiging honest ako sa nararamdaman ko. Di niyo naman ako masisisi kung ayoko pa di ba? Gustohin ko man na maging kami ulit, gusto ko, ready na ako, yung tipong hindi ko pinipilit yung sarili ko, yung tipong masaya talaga ako kasi mahal ko siya. hay, ang hirap i-explain, ang hirap i-elaborate in words yung naramdaman ko at that moment.

After ilang araw… Parang wala lang nangyari, balik lang ulit kami sa dati ni FL, naging regular na din yung lunch date namin. We never even talked about that night. I never even dare din to ask, so did he..

May 7, 2011

Dumalaw ulit si FL sa apartment, naging routine narin namin yung DVD marathon pag weekend then he would cook me dinner, then after noon, uuwi na siya. Ewan ko ba, parang kami na hindi. Walang exchange of words, pero nagkakaintindihan kami, parang ganon. He surprised me ng kinuha niya sa bag niya isang boteng wine (sosyal, may wine na siyang nalalaman)..”o ano okasyon?” tanong ko sakanya. “wala lang, 11 years na tayo..” nakangiting sabi sakin ni FL “11 years na magkakilala.” nilapag niya sa mesa yung wine. oo nga pala, technically 11 years na kami last May 5, kung hindi kami naghiwalay. ano ba nakain nito at bakit bigla niya naisipan?…

sa madaling salita, nag inuman kami, ang saya ko. we we’re reminscing our past.. yung mga masasayang moments namin, yung mga childish fights namin dati, yung mga childish hobbies namin. next thing i know, he was again holding my hand.. nakatitig siya sakin. biglang tumahimik siya bigla. biglang naging seryoso atmosphere.. “bakit?” tanong ko sakanya.. ayan nanaman, lakas nanaman kabog ng dibdib ko.. nenerbyos ako… then suddenly, his face was so close, napalunok nalang ako. next thing i know, we we’re kissing, our first ‘real’ kiss. I was caught up in that moment na para bang ang tagal kong inantay yung pagkakataon na yun. (Hindi ko pa din pala nasabi na skinship was a big factor samin dati ni FL nung naging kami. We never had a ‘real’ kiss,)… then, we stopped, i was really literally catching my breath, iba yung naramdaman ko. .. “A****, ok ka lang?” tanong ni FL. huh?? out of all the questions na pwede niya tanongin bakit yun??, I didn’t answerd, i just stared at him. Ewan ko ba.. siguro dala ng nararamdaman ko at that moment napatanong ako sakanya.. “pwede ba tayo ulit?” i was really serious, I know i was ready, I know kaya ko na ulit siyang mahalin, hindi man tulad ng dati pero mas higit pa. gagawin ko ang lahat, na hindi ko na siya papakawalan. FL just smiled at me.. his brightest smile i have ever seen. Then he hugged me. Siguro, at that time, words were just not enough to express both our feelings.

I know every relationship isn’t perfect, I know hindi lahat ng gusto natin sa isang relasyon ay makukuha natin, pero sabi nga nila, ‘it takes two to tango’, kaya kahit alam ni FL may shortcomings ako, he accepted me, he knows, and i always assure him, that’ll always love him, liked i promised from my last letter. Siguro nga decades ang lumipas samin ni FL bago man ulit kami naging kami, maybe it was because God was only preparing us for the right moment, may mga dumaan man na ibang tao sa buhay namin, they we’re there for a reason, we met them to shape us for who we are right now. para mas maging karapat dapat kami sa isa’t isa. Para kung sakaling magkita ulit kami, we’re ready. I realized, FL isn’t just my first love, he’s my soul mate.

June 2011

eventhough isang buwan palang kaming nagkakabalikan… he proposed. He even said, he can no longer wait, baka mawala pa daw ako. Syempre, hindi na ako nagdalawang isip. Many would say we’re just rushing things up. Siguro nga, pero I know, ayoko na palampasin pa ang isang taong na hindi ko siya ka apelyido.

-end-

Sana po maraming nag enjoy sa story namin ni FL. We’re now planning our wedding next year. Super excited ako. Last month (july), umuwi kami pareho ni FL. para kausapin parents ko. My mom was shocked at first pero happy na rin daw siya sakin. She’s glad I was happy. We know we’re both happy.

Many would judge us, especially me, kung bakit mag aasawa kaagad ako after nangyari kay TL Last year, they would question my sincerity. I wouldn’t mind them. Basta alam ko mahal ko si FL. And I know he trust me. That’s all there is to know.

As for TL, yup, i called him True Love, since, sakanya ako natutu kung pano magmahal ng totoo, i don’t regret meeting and knowing him, honestly, i was glad na nagmeet kami, He helped me in a way. Oo, nasaktan ako ng sobra sakanya. Pero now i know why, I learned from him na, kapag hindi mo inalagaan ang taong importante sayo, someone would take them away from you or they would just drift away from you.  Taking that in a good way, I know, hinding hindi ko papabayaan si FL.

First Love … True Love .. Part 14

Pabalik ng manila, I was on the bus, crying my eyes out. grabe. ngayon lang ako sakanya umiyak ng ganito.. I really have to forget all about him. Why does it hurt so much?? Bakit kasi hindi nalang kami magkaibigan ulit? bakit pa kami nagkita ulit? bakit hindi na pwede. I realized, hindi talaga lahat ay para sayo, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. sigura nga, hindi kami para sa isa’t isa. . .Kailangan ko na talagang kalimutan si FL.

Ilang days ang nakalipas.. I was too busy looking for a job. I was almost penniless, buti nalang, i had some luck. I landed on an international company. So, meaning… may shifting ako, lalo na nasa IT dept.  It was a big factor samin ni TL. . . ( oo, ok pa kami, maayos pa naman relasyon namin… oo, hindi ko na sinabi yung tungkol kay FL. and i intend to keep it a secret).

for the next few months, ok pa arrangement ng sched namin ni TL. We find time para magkita. we had dinner every night. We go out every weekend. Kahit medyo hassle sakanya, since magkalayo yung mga office namin. But hindi ko nakita na nahihirapan siya. at hindi rin naman siya nag rereklamo.

perfect na ang relationship namin. our friends are already asking kung kelan na kasal namin. kaso lagi kaming walang concrete plans. and sa department na yan, medyo hesitant pa ako. oo, pinag uusapan na namin yung future (lahat naman ng magkarelasyon, at some point pinag uusapan na yan). but, for me, it’s too early. Hindi pa ako handa. takot pa ako..  Oo, mr perfect na si TL. nasa kanya na lahat, alam kong magiging stable ang life ko. alam kong ma-aalagaan niya ko for the rest of our life. He’s going to be a perfect father for my children…

but… hindi pa talaga ako handa. Lagi kong sinasabi sa kanila, na i need to support pa my younger brother since siya nalang nag aaral, na my father still expect more from me. kaya hindi pa ako pwede mag asawa. Pero, honestly… hindi pa ako handa emotionally… hindi ko alam if malaking factor pa si FL. Am i still hoping na magkakabalikan kami?? yup, mali di ba? unfair ng sobra sobra kay TL.

I need more time…baka mahimasmasan na ako di ba? masampal at mabatukan na talaga ako ng realidad na this is my destiny. TL’s my destiny.

June 2009… big turning point ang dumating sa buhay ko… Isa ako sa mga napiling i-dedeploy sa ibang bansa.. 1 year lang naman daw… Ewan ko, i was happy and at the same time, sad… Sad.. kasi, hindi ko alam kung kaya ko yung isang taon na hindi makasama si TL. takot din kasi, wala akong pamilya at walang kakilala. Bahala na.

Supportive naman si TL. Nung una, nagtatalo kami, kasi he wants na magpakasal muna kami bago ako umalis. yet ayaw ko pa talaga. ayoko naman maging reason kung bakit ko siya papakasalan is aalis ako, parang assurance na babalik ako sakanya. Nainis talaga ako. Sa side ko, ang feeling ko, wala siyang tiwala sakin. wala siyang tiwala sa relasyon namin. Para sakin, malaking factor na yung isang taon kung masurvive namin yun. it means, we’re really meant for each other, else, hindi talaga. right??

So yun, a month before my departure, everything was all set.. everyone was so supportive. ok na rin si TL. nagka-intindihan naman na kami. We made a promise.. we’ll wait for each other. he’ll wait for my return. we’ll keep our communication constant.

we made a promise not to break those promises..

first few weeks on a foreign country was a big shock to me. rollercoaster yung emotions ko noon. lagi ako umiiyak mag isa sa apartment. takot, lungkot, minsan masaya, excited, tapos lungkot ulit. pumayat ako ng sobra. aside sa trabaho doon, wala na ako ibang ginagawa. wala pa ako ka-close sa opisina. Iba talaga pag hindi mga pinoy ang kasama mo. culture shock talaga ako.  With regard naman samin ni TL, ok yung communication namin, email, call, chat. Nababawasan yung lungkot ko pag kausap ko siya. pero everytime na matapos calls niya, lalo ko siya namimiss…

after a few more months.. consistent pa rin yung communication namin, may mga little arguments na lumilitaw na hindi naman namin dati pinag aawayan. but sa huli, napag -uusapan din naman namin. Naka adjust na rin ako, may mga kaibigan na rin. I thought everything was going to be a smooth ride from then on… di ko mamamalayan tapos na isang taon.. but then, i was wrong…

2 more months, i’m going back na sa pinas…  1 week ng di nagpaparamdam si TL. I was getting worried. nung mga 2 to 3 days, understandable pa kasi, minsan busy lang talaga siya. pero after a week na wala pa. may iba na akong nararamdaman. I tried to call him, hindi siya sumasagot, and he never call me back. nawala ba phone niya?? ano?? ang dami ko ng naiisip. . .  I called my sister, tanong ko kung may balita siya kay TL. since nasa province nga yung sis ko and nasa manila si TL. malamang wala siyang balita. then i emailed TL’s sister, di rin nag rereply. di ko na matawagan kasi nagbago yata ng number yung sister niya.

a month passed.. paranoid na talaga ako! lagi kong chinecheck emails ko, cellphone ko, tried to call his cellphone. di ko na siya matawagan. imaginin niyo nalang yung anxiety ko noon. ang dami ko ng iniisip na sana hindi naman.  then one day, may email… from TL. from his email:

“A****, sorry, you really don’t deserve such a person like me. Alam kong dapat sabihin ko to sayo over the phone or personal, pero i don’t have to courage or face to do so.  You need to forget all about me. Alam kong hindi mo ko mapapatawad sa nagawa ko, kahit bugbugin at patayin mo ko, i’ll accept it. Kung yun ang paraan para mabawasan man lang ang sakit na mararamdaman mo.

It was a big mistake. Pero wala na ako magagawa. i need to face the consequences. J****, is caring my child. and napagdecisionan ko na na pakasalan siya. I’m really sorry..”

(hindi ko na isusulat dito yung buong laman ng email…)

after reading those words, feeling ko, nagjojoke lang sakin si TL. feeling ko it’s all a lie. hindi kayang gawin sakin yan ni TL. naisip ko baka, may ibang bumukas ng email niya at e-nemail lang sakin yun pang asar.  siguro ilang beses kong binasa paulit-ulit yung letter. hindi pa ako umiiyak. wala akong maramdaman na emotion.

after a day, hindi pa rin nag sisink-in sakin yung email. feeling ko junkmail lang yun. then, i tried to call his number… nag ring.. may sumagot… si TL. Nung una di siya kumikibo… “totoo ba yung email?” una kong natanong sakanya.. silence …
“sorry…” sabi ni TL “alam kong you deserve a better explanation, but hindi ko alam kung papano sasabihin sayo. pasensya na talaga” narinig kong umiiyak na siya sa kabilang linya.. hindi ako maka kibo.. hindi ko alam kung galit ako o ano, pero hindi ako umiyak. nagsasalita siya sa pero di ko na siya maintindihan. na feel kong uminit yung mga pisngi ko. narinig kong sinabi niya na kailangan ko na siyang kalimutan, i deserve a better man daw than him. sana mapatawad ko daw siya, kahit na hindi man kaagad. . . nag  bbye na siya. hindi ako kumibo. binaba ko yung phone… pumasok ako ng CR (nasa office kasi ko noon).. hindi ko na napigilan yung luha ko. Umiiyak ako ng sobra sobra… ang sakit. sobrang sakit…  ilang buwan nalang, babalik na ko di ba?? bakit di mo ko nahintay?? bakit??? san ako nag kulang??

grabe yung sakit na naramdaman ko, hindi ko lubos maisip kung bakit ni TL nagawa yun sakin. I thought he’s the one. I thought wala ng hihigit pa sakanya.. kung kelan handa na ko na pakasalan siya. saka naman siya magpapakasal sa iba. ano to? lokohan?  galit na galit ako sa mundo noon.

Kahit mahal yung inumin, bumili ako ng sangkatutak na beer. nagpakalunod ako. walang kwenta talaga mga lalake. papa -asahin ka lang sa wala. nag promise siya na hihintayin niya ko diba?? isang buwan nalang eh. bakit di ka nakatiis??? ganon ba ko kabilis ipagpalit?? ganon ba kabilis kalimutan yung ilang taon naming relasyon?

Buti nalang i have my work to keep me busy, kung hindi, ewan ko kung san ako pupulutin. wala ako makausap tungkol sa private life ko, wala ako maiyakan, wala ako malabasan ng sama ng loob. ang hirap. namiss ko bigla yung mga kaibigan ko, bakit sakin nangyari to. kala ko sa mga pelikula at drama lang to nangyayari. ang hirap kapag na disappoint ka ng sobra sobra ng isang taong pinagkatiwalaan mo ng grabe. I never thought he could do such a thing. I thought he was my  perfect man. hindi pala.

Ilang weeks nalang, i’m going back na. My supervisor talked to me. He gave me an offer to extend my stay. 2 months ago, siguro i’ll reject that offer right away. Pero now, maiintindihan niyo ko kung bakit ayaw ko muna bumalik. ayoko makita si TL at yung babae niya. It’ll be a big blow if ever magkasalubong kami sa isang mall or kahit saan man sa manila. So yun, i decided to stay…

November 2010…

I was with my officemates, taking our lunch break at some small restaurant… “a****?” may nagtanong sa likuran ko. then that person tapped my shoulder. Paglingon ko, (oo, nagkita nanaman kami) . . . si FL. what’s he doing here? hypocrite naman ako kung sabihin kong hindi ko siya nakilala kaagad. Ewan ko ba, I was so glad to see him. I introduced him to my officemates, then i excused myself, para makausap siya ng matagal. Ang pagkakataon nga naman talaga..

It turns out, 5 months na siya nandoon.. and the weirdest thing pa.. 1 block away lang yung building office niya. I thought he was just joking. hindi kasi ko naniniwala sa faith/destiny etc.
Sa limang buwan, di man lang kami nagkasalubong? bakit ngayon lang kami nagkita? weird talaga.

I didn’t tell him na wala na kami ni TL. He never asked. twice or once a week we have lunch together. Hindi ko rin pinapakita sakanya na depressed pa rin ako. Ayoko pag usapan namin baka umiyak lang ako bigla sa harap niya.

Tama na yung masaya kami pag magkasama, iba kasi pag may kaibigan ka sa ibang bansa. pangpawala ng stress. nakakalimutan ko yung mga problema, ang saya makipag usap na hindi ka na mag iisip ng sunod na english word. (hahaha!) Minsan, hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko si FL. di makapaniwalang after 2 years lang magkikita ulit kami. si God talaga. siguro alam niyang kailangan ko ng kaibigan that time, kailangan may magpasaya sakin.

December 2010….

Nabigyan ako ng chance makauwi sa pinas at magbakasyon for 2 weeks…

nag dinner kami ni FL 2 days before i leave. nung kumakain kami…..”wala na pala kayo ni ****.” sabi bigla ni FL. Napatingin ako sakanya. “ha?” yun lang nasabi ko. ewan ko ba, nung narinig ko yun na sinabi ng ibang tao iba talaga yung dating sakin. parang binato nanaman yung dibdib ko ng sangkatutak na bato. Ang sakit. “pano mo nalaman?” pilit ko tinanong sakanya. “wala ng singsing sa daliri mo.” tinuro yung bare ring finger ko na may konting bakas pa ng halos 5 years na singsing. (oo, may couple ring kami ni TL noon, he gave it to me during our 1st yr anniv). Hindi ako umimik. naiiyak na naman ako. ayokong makita niyang umiiyak ako. Napansin yata ni FL na ayoko pag usapan. Nag change topic siya. binilin niya yung mga papabili niya sa pinas. nag kwentuhan nanaman ulit kami.  pero nasira na talaga yung mood ko. So nung hinatid niya na ako sa sakayan. “ok lang yan A****, andito lang ako.” sabi bigla ni FL. . . ewan ko ba, gumaan ng konti yung pakiramdam ko. oo nga naman, andiyan siya. malaking pasalamat ko talaga. he’s keeping me strong. his presence in my life made me think twice that, not all men are the same. at kaya kong mabuhay na wala si TL.

Pinas.. I celebrated christmas sa probinsya with my family. Disappointed yung nanay ko kay TL. kasi botong-boto siya dati sakanya. Close na kasi si TL sa family ko. Ganoon din ako sa family niya. Kaya all along, alam nila kami ni TL ang magkakatuluyan. nakwento ng nanay ko na pumunta daw sa bahay minsan yung nanay ni TL. nakwento daw, at humingi ng sorry. Wala naman akong galit sa family niya. He’s at fault hindi sila.

Alam na ng ilang close friend namin ni TL yung nangyari. Some, would blame TL’s girl. malandi daw kasi yun. na shock din daw sila sa balita ngang ikakasal na si TL at hindi ako. So, may date na nga yung kasal, at totoo talaga pala (in the back of my head, minsan iniisip ko pa rin na hindi totoo yung mga nangyayari, nasa denial stage pa yata ako noon). Masakit eh, sino naman ang hindi masasaktan di ba? minahal ko siya ng sobra. hindi ko alam kong makaka-move on pa ako..

Nasa province din pala si TL. Pumunta ng bahay. ‘walang h-ya talaga siya, ang lakas ng loob niya magpakita sakin!!!’ insip ko noong nakita ko siya sa sala namin. all my emotions are about to explode. yung mga pilit kong tinatagong emosyon ay pilit na lumalabas, galit, sakit, lungkot, galit (ulit). Yun, since di naman ako brutal talaga, kahit gustong gusto ko siyang sampalin, bugbugin, idikdik ang mukha sa sahig, hindi ko magawa. Para akong naging bato. di ako makagalaw. nakatitig lang ako sakanya. Nagsasalita siya. Nag sosorry. Umiiyak na siya. Hindi daw niya sinasadya. Kung pwede nga lang daw burahin lahat, pero wala na, it’s too late. may damages na siyang nagawa. Knowing ang ugali ni TL. papanagutan niya talaga yun. even if ako yung i-sasacrifice niya. Ang sakit talaga. Bakit kasi umalis pa ako. Siguro nga hindi para sakin si TL.  Nagpasalamat nalang ako sakanya (with a straight face), sana he made the right choice. and nag goodluck nalang ako sakanila. In a way, gumaan  yung bigat ng dibdib ko. Para bang nabunutan ako ng tinik. Tama nga sigurong nakausap ko siya even for the last time. Alam ko kasi, kahit maging kaibigan, ayoko na siya ulit makita. Siguro not for awhile, siguro pag matanda na ako at nasa death bed na ako.

All in all, naging masaya naman ang bakasyon ko, kahit saglit nga lang. at kahit may dramang nangyari. It was worth the trip..

 

to be continued..

 

First Love … True Love .. Part 13

September 2008 …

nasa mall ako, nagpapatay ng oras, … nakasalubong ko yung kaibigan ni FL. yung kausap ko magdamag dun sa outing.. may pupuntahan daw siya, kaso di niya din alam kung saan yung lugar (taga manila din kasi).. binigyan ko ng dereksyon kung saan.. hindi ata na gets.. so nagpasama siya sakin. well, hindi din naman ako nagmamadali, and malapit lang yung lugar, sinamahan ko nalang siya…  Nung nandoon na kami.. sabi ko aalis na ko, niyaya niya ko sa loob, sabi niya andoon daw si FL… naku! mas lalo na, alis na talaga ako. kung ano ano na naging dahilan ko. nung pumayag na nga yung kaibigan niya, at paalis na ko.. eto na, lumabas si FL. nakita ako..

“o! A****, ano ginagawa mo dito?” sabi sakin ni FL. inexplain ng kaibigan niya na sinamahan ko siya papunta dun and paalis din naman ako. Pero pinilit pa din ako na kaibigan niya mag stay… hay naku, nakita ko lang si FL, nagbago nanaman decision ko. So pumasok na ko, andon yung mga kaibigan niya from the outing,  bday daw kasi nung isa. Pinakain nila ako. Ang bagal ko non kumain, konti nga lang kinuha ko since ala din ako appetite. nasa tabi ko lang si FL. di siya umaalis sa tabi ko. kahit ng pumunta ako ng kusina para ilagay yung pinagkainan ko, sumama siya… “hatid na kita..” sabi sakin ni FL. ‘bakit ka kasi sumama?’ natanong sakin ni FL. hindi ko alam kung ayaw niya lang ako makita o ayaw niya ako na nandoon? “sige, gabi na rin, kailangan ko na din umuwi.” sagot ko kay FL. Nagpaalam na ko sa mga kaibigan niya. Nagdahilan na may pasok pa ako kina-umagahan.

Hinatid na ko ni FL sa bahay, buong byahe namin, konti lang napagkwentuhan namin, kumusta yung new work ko, kumusta yung studies niya.. etc.. ewan ko ba, awkward talaga ako noon. Alam ko, nararamdaman na niya na gusto ko na talagang taposin kung ano man ang meron samin. hindi lang siya nagtatanong. I was feeling helpless na din, bakit kasi hindi pwedeng magkaibigan na lang ulit kami, walang expectations, walang awkward feelings, wala. parang kaibigan lang talaga. pero, it’s as if i’m asking for a miracle di ba? mahirap na talagang maging magkaibigan ang dating mgakarelasyon. lalo na sa sitwasyon namin ngayon.

Bumaba na ko sa sasakyan, nagpasalamat ako sa paghatid, niyaya siya pumasok sa loob… pero ayaw daw niya babalik pa daw kasi siya doon sa bahay ng kaibigan niya. Text nalang daw siya. Ang bigat ng loob ko noon. Gusto ko ng magpaalam sa kanya, gusto ko last na namin na pagkikita yun. gusto ko taposin na communication namin. Pero paano? pano ko sasabihin sakanya?? ang malaking tanong, kung kaya ko talaga??

after 1 month, nag uusap pa rin kami ni FL sa phone, katext pa minsan minsan. dumadalaw paminsan minsan. Pero, hindi ko pa rin magawang sabihin sa kanya na gusto ko na umiwas… umiwas sa possibilidad na pwede maging kami ulit. umiwas sa possibilidad na masasaktan ko si TL, sa possibilidad na gumawa ng pagkakamali. umiwas sa kanya. Pano nga ba?..

nagkaroon ako ng chance…

after 2 months ko sa trabaho, ewan ko ba, nainip ako sa trabaho doon. oo, masaya yung mga katrabaho ko.Pero, kulang eh, kulang ang sahod. provincial rate kasi. kulang sa lifestyle na nakasanayan ko sa manila. kahit sabihin na nating wala ako masyadong gastos doon since may bahay na kami doon. kulang pa rin eh to think super loaded ako sa trabaho. hindi siya worth it… so i, tried to apply online nanaman. kahit saan lang..

Yun na nga, may tumawag sakin, for interview ako.. pero, sa manila yung base ng opisina. So, i decided na to quit my job doon sa probinsya at bumalik nalang ng manila. Magandang reason na rin para maka-iwas kay FL for good… at makasama na ulit si TL. alam ko, almost 4 months lang ako bumalik, pero bahala na. eto yata talaga destiny ko, bumalik sa manila.

Kinausap ko si FL sa phone, nakwento ko nga na mag reresign na ko sa trabaho ko doon, babalik na ko ng manila. “labas naman tayo bago ka umalis” sabi ni FL. ewan ko ba, nalungkot naman ako bigla sa idea na pwedeng hindi ka na siya ulit makita…

3PM .. the day before ako babyahe papuntang manila, sinundo ako ni FL sa bahay. “tara! bilisan mo, layo pa ng byahe natin.” patawang sinasabi ni FL. “Ha? ihahatid mo ba ko sa manila?” pabiro ko sakanya. Hindi ko alam kung san kami pupunta ni FL. Ngumingiti lang siya habang nagmamaneho.  Sinilip ko yung letter na ibibigay ko kay FL mamya. Sinulat ko doon lahat na gusto kong iparating sakanya.

Nakarating na kami sa destinasyon namin, dinala niya ko sa isang park, yung parang mga venues pag nag reretreat sa schools. Wala masyadong tao, ang ganda ng lugar. ewan ko ba, kinakabahan ako noon, baka may maka kita samin na kakilala ko. feeling ko kasi talaga nagdadate kami. guilty ako noon. inisip ko nalang last naman na namin pagkikita ‘to ni FL. bahala na.

Kinuha ni FL sa kotse yung mga pagkain na hinanda niya. Aba, magpipicnic pala kami. haha! natawa nalang ako sakanya. Ngumiti lang siya sakin, habang bitbit yung mga gamit.

Naglakad lakad kami, naghanap ng magandang pwesto, ang laki ng lugar, ang daming puno,  May nakita kami parang maliit na gazebo, doon na kami nag merienda. infairness, pinaghandaan ni FL. Ang cute niya tingnan nung nagpeprepare siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. hindi kasi siya yung tipong lalakeng romantic, hindi niya minsan masabi talaga sayo yung nais niyang sabihin. kailangan mo lang talaga maging sensitive sa kanya, sa mga kinikilos niya… Nagkwewentuhan na kami habang kumakain, nagbibiruan, ang saya ng hapon na yun. sana hindi na matapos..

dumating na yung time na inabot ko sakanya yung letter. “ano to?, proposal mo?” pabiro pa ni FL sakin. Ngumiti lang ako sakanya. “Huwag mo muna basahin, mamaya na pag di mo na ko kasama.” sabi ko sakanya. Hindi yata ko narinig, binuksan na. Pilit kung inaagaw sakanya, ayaw niya ibigay. (ang korni kung iimaginin niyo kung pano ko inaagaw, kaya please lang, wag niyo na imaginin.

Sa huli, di ko rin na-agaw, binasa pa rin niya. Ang tahimik niya habang binabasa yung letter ko. Habang ako, nanlalamig yung mga kamay. Ano kaya magiging reaksyon niya? ano kaya sasabihin ko pagkatapos niya basahin. ewan ko ba, kinakabahan ako noon.

Nung natapos niya basahin, nag smile siya. Inabot sakin pabalik yung letter. “bakit?” tanong ko sakanya.. “basahin mo para sakin..” sabi ni FL. “ayoko nga! nabasa mo na eh..” defense ko sakanya. “sige na, gusto ko marinig galing sayo.” pagmamaka-awa ni FL. Ano pa nga ba, sa ilang pilit ni FL. Binasa ko pa rin. (Isusulat ko yung naalala ko:

“Alam mo masaya ako naging magkaibigan tayo ulit, na nabalik yung communication natin. Nagpapasalamat din ako, atleast nalaman ko yung mga pagkakamali ko dati, kung bakit kita nabitawan noon, nalaman ko yung mga pagkakamali ko noon, pagkakamali nating dalawa. I know it’s not enough to say ‘i’m sorry’, pero sasabihin ko pa rin.. sorry, at ang dali kitang binitawan noon. sorry, at hindi kita pina-kinggan noon, sorry kong hindi na ako ang nasa tabi mo.

How i wish, everytime na magkasama tayo na sana tayo nalang ulit, pero mali di ba? Masaya mang isipin ang mga possibilidad, alam naman nating dalawa na may bf na ako. Unfair para sayo. Alam ko na alam mong kailangan na nating mag move-on. Kailangan mo ng mag move-on. . . .Para matulongan kita , kailangan kong lumayo, ang hirap kasi umiwas sayo eh. Lalo’t alam kong you’re 1 text msg away and andyan ka lang sa tabi tabi.

Sana next time na mag meet tayo, ok na tayo pareho. meron man na tayong mga asawa o wala. Sana, maging ok na tayo, maging magkaibigan man o higit sa magkaibigan.. Sa ngayon, kailangan na muna nating umiwas sa isa’t isa…

Pero sana, wag mong kakalimutan na ‘i will always love you’…”

(mahaba pa yung letter na yun, 2 pages yata yun, pero, eto lang yung medyo clear pa na sinabi ko sa letter)

sa pagbabasa ko nung letter, naluha ako. ewan ko ba, naiyak talaga ako. hindi ako makatingin sakanya. Naiiyak ako dahil sa alam kong mahal ko pa rin talaga siya. Naiiyak ako dahil wala akong magawa, naiiyak ako dahil galit ako sa sarili ko noon. feeling ko ang sama sama kong tao.

Nung napunasan ko na yung luha ko, tumingin ako sakanya, naluluha din siya. Napangiti ako sakanya. Ngumiti lang din siya sakin. Sa moment na yun, ilang minuto kami nagtinginan, walang nagsalita, nakangiti lang siya sakin. Lumapit siya… yinakap niya ko. Lalo akong napaiyak. Mamimiss ko siya, humagulgol na ko. humigpit yung yakap niya sakin. “mamimis kita Ms. A**** S*****” sabi ni FL. Habang umiiyak pa ko sa balikat niya. “mamimis din kita Mr. C***** R****” paiyak kong nasabi.

Nung bumitaw na kami sa pagkakayakap. Naka smile siyang nagsabing, “yngat ka lagi doon ah.. dito lang ako lagi. and salamat din.”

Ilang minuto pa kami nag stay doon, magaan na yung pakiramdam ko, nasabi ko na sakanya. Pero malungkot pa rin ako, sana di na matapos yung araw kahit saglit lang.

Oras na para umuwi, nag joyride pa ng konti, para humaba pa oras na magkasama kami. Haist… bahala na. Sana maging masaya nalang siya, sana makahanap na siya ng para talaga sakanya… sana makalimutan ko na rin siya.. sana …

Hinatid na ko sa bahay.. Umuulan na noon. (naks parang pelikula lang), pababa na ko ng kotse, hinila niya ko. niyakap ulit. then hinalikan ako sa noo, haist, tumigil talaga yung mundo ko noon. naiyak nanaman ako. “yngat ka din lagi.. mamiss kita..” huli kong nasabi sa kanya.

Umalis na siya.  Bakit ganun, ang bigat talaga ng loob ko. parang may nawala sakin na alam kong hindi na makakabalik. .

 

to be continued..

First Love … True Love .. Part 12

August 2008

Nasa probinsya na ko. Ang sarap nung mga unang linggo, malaking ‘bum’ ako sa bahay. May communication pa rin kami ni FL. Minsan tumatambay siya sa bahay. kwentuhan, asaran. masaya ako, naging magkaibigan ulit kami ni FL. Pero syempre hindi alam lahat ito ni TL. Alam ko mali din, kahit sabihin na nating magkaibigan lang kami ni FL. mali din pag inisip mo si TL. di ba?? Pero, ano magagawa ko? masaya ako at contento na ko na ganun na ulit samahan namin ni FL. Bahala na.

Araw araw din naman kaming nag uusap ni TL sa telepono. minsan nag chachat kapag may oras siya sa opisina. Dont get me wrong, masaya pa din naman ako kay TL, at alam kong mahal ko talaga siya. Gusto ko rin naman din patunayan sa sarili ko na kaya kong maging tapat sakanya despite na nanjan lang sa tabi tabi si FL. Kaya kong maresist yung temptation na yun. kaya ko naman yata…

At ayun na! sa pag tetest ko sa sarili ko. nagkaroon ako ng emotional challenge…

Nagyaya minsan si FL. may outing/swimming daw sila ng mga kaibigan niya. Overnight lang naman sa isang isla. Oo, maraming pwedeng mangyari sa isang gabing yon di ba?? Pinag isipan ko talaga kung sasama ako o hindi. Eh wala din naman akong ginagawa sa bahay, wala pa kong mahanap na trabaho dun. SOooo… hindi ko rin naman to makukuwento kung hindi ako sumama di ba? so ayun, sumama nga ako, pero bitbit ko yung isang pinsan kong galing *** ng manila, gusto maka kita ng white sand. (hehehe). At hindi rin ako nagpaalam kay TL. Mahirap na. baka kung anong isipin niya diba? so, para wala ng ibang explanasyon, i kept it a secret.

araw ng outing..

Sinundo kami ni FL sa bahay. Nakita naman siya ng nanay ko at nangakong ibabalik kami kina-umagahan. (parang highschool lang). Hindi ko alam, pero excited ako ng araw na yun. Nakasakay na kami sa sasakyan niya, amoy na amoy ko yung pabango niya. “siyet, ang bango niya!” yun yung una kong naisip. ‘haist.. bakit nga ba ulit ako sumama dito??’

Nakipagkita na kami sa mga kaibigan niya, in fairness, ang babait sakin ng mga kaibigan niya. feeling ko welcome na welcome ako. Sumakay na kami ng bangka, in-aalalayan kami ni FL. Lagi  siyang nagtatanong sakin kung ok lang ako, kung gutom na ko, etc.

Nakarating na kami dun sa isla. nagstay kami sa bahay ng isa niyang kaibigan. Ewan ko ba, pilit kong iniiwasan na maiwan kaming dalawa ni FL. para bang may iniiwasan akong mangyari. iniiwasan kong tumabi sakanya. lagi lang akong nakabuntot sa pinsan ko. Haist, ang hirap naman ng challenge na to. Gabi na.. pagkatapos ng maghapon na swimming, nagpreprepare na sila for dinner. Tumutulong din naman ako. si FL, busy makipagkulitan sa mga kaibigan niya. Nagtatanong yung isa niyang kaibigan, kung nagkabalikan na daw kami. ‘so, alam nila???!!’ napaisip ako. ‘alam nilang ex ko siya?’ akalain mo nga naman…

Kaya ng nag inoman kami. hotseat ako. haist… buti nalang hindi ako kaagad nalalasing. at dinadaya ko talaga mga tagay ko. lam niyo na, mahirap ng malasing, kahit sabihin na nating kasama ko yung pinsan ko.  at buti na rin lang, hindi uso sakanila yung ‘truth or consequence’.. tamang kwentuhan at asaran lang ang naganap.  magkatabi pa naman kami ni FL at sa kabila ko yung pinsan ko na oblivious sa mga nangyayari, haban naglalaro ng rubik’s cube (kasi hindi siya umiinom).

Patapos na yung inuman, matutulog na yung pinsan ko. ako, tumayo na rin,  naiwan yung mga lalaki. Since hindi pa ko antok, at ugali ko din na hindi makatulog pag nasa ibang lugar, minabuti ko munang magpa-antok at maglakad papunta sa tabing dagat..  ang ganda ng buwan. ang ganda ng effect sa tubig dagat… mejo tipsy pero kaya naman. Naisip ko bigla si TL. ano kaya ginagawa niya? pano kung malaman niyang andun ako at that very moment at kasama ko si FL???? malamang break kami kaagad. mabilis kausap yun eh.

Napalingon ako sa mga nag iinoman. mejo malayo na ko, yung bonfire lang nila yung nakikita ko. ang ganda tingnan..  nakita kong may aninong papalapit… (oo, alam na).. si FL.. sumunod siya sa akin. Naku!! hindi ko alam kung epekto lang ng na-inom ko o talagang nagpapapalpitate na ako.. dali dali ko siya sinalubong… ‘o, san ka?, pabalik na ko.’ sabi ko sakanya kahit di naman niya ko tinatanong. ‘kala ko kasi kung nasan ka na, wag ka masyadong lalayo, may mga NPA dito.’ panakot sakin ni FL. Sabay na kaming naglakad pabalik sa bonfire. walang imikan.. parang nagpapakiramdaman kami ni FL. ng malapit na kami sa grupo… “dito muna tayo…” aya ni FL… Umupo siya sa may buhangin… “ha? eh, malamig eh, dun na tayo sakanila, baka hanapin tayo.” depensa ko sakanya, ayokong mag usap kami ng seryoso, mahirap na… “Saglit lang, ayoko na bumalik  doon, lasing na ko eh.” sabi ni FL… so, ano pa nga ba magagawa ko… umupo na rin ako…

Hindi ko alam kung bakit, pero bakit wala akong maalalang conversation namin nung gabing yun.. naalala ko *** na matagal akong nakatitig sa tubig at tinitignan ang mga hagupit ng alon. di yata talaga kami nag usap. pero, masaya ako na katabi ko siya.. hindi kami nagkikibuan, ***** pareho lang kami umiiwas sa mga pwede at di pwedeng pag usapan… parang tumigil yung oras ng gabing yun. ‘bakit kasi hindi kami pwede maging kami ulit, bakit kasi kami naghiwalay noon, bakit ako nandito…” ilan lang sa mga iniisip ko noon, habang nakaupo kami at tahimik na pinagmamasdan ang dagat..  *****, kung maipipinta ko lang yung scenery na nakita ko noon, in details ko pa ma-ipipinta.. hindi ko kasi talaga makalimutan, pati yung feelings ko during that short span of time…

“uy!! andiyan lang pala kayo!?” biglang may sumigaw malapit samin, kaibigan ni FL. hinahanap na pala kami.  Tumayo na si FL, at tsaka hinila niya ko patayo. Nahawakan ko yung kamay niya. Pero saglit lang yun. Ayoko na sanang bumitaw. Pero, pinigilan ako ng consensya ko… hindi kami, at may bf ako…  Ang hirap naman nito!!! haist…

Bumalik na kami… may mga natira pang umiinom.. dumeretso na ko sa loob ng bahay, then pumasok ng kwarto ng mga babae.. sarap ng tulog nila. bakit di pa rin ako dalawin ng antok??  lumabas ako sa sala. nakahiga na doon si FL.. nakatulog na… lumabas ulit ako ng bahay.. di talaga ako dalawin ng antok.. inatake nanaman yata ako ng insomnia..  naupo nalang ako sa may pinto… tumabi sakin ang isang kaibigan ni FL na babae… nagkwentuhan kami, di rin daw siya makatulog.. Nasabi sakin ng kaibigan niya na nakukuwento nga daw ako sakanila ni FL.. hindi pa rin daw maka move-on si FL sakin. minsan daw pag nag iinoman sila, ako daw yung bukang bibig. kaya halos alam nila ang buong kwento naming dalawa ni FL.  Ang akala nga daw nila, nagkabalikan na kami since sumama ako sa outing na yun. ayun! nakonsensya talaga ako. reality strikes me, bakit nga ba talaga ako sumama sa ex ko eh may bf ako?? emotionally i was cheating on TL!! ewan ko ba, alam ko it’s unfair for the both of them. lalo ni kay TL.

nahimasmasan yata ako nung mga sandaling yun.. inumaga kami sa kwentuhan namin.. ilang oras nalang darating na yung bangkang susundo samin dun sa isla at ibabalik na ako sa realidad na may bf nga ako.

Pauwi na kami, nasa sasakyan na kami ni FL, lumakas yung ulan. di na ako masyado kumikibo pauwi.. di ko alam kung bakit.. di rin naman ako galit kay FL. bakit parang ang layo ng bahay namin, gusto ko na bumaba dun sa sasakyan.. Napansin yata ni FL yung mood ko.. “ok ka lang? di ka nakatulog?” tanong sakin ni FL. “hindi eh, pero ok lang, nakapagkwentuhan naman kami ng kaibigan mo, si M****.”..  tumingin si FL sakin, “ano pinagkwentuhan niyo?  ako??” patawang sabi ni FL. Di ako napangiti.. “di ah” maikling sagot ko sakanya..  yun na yung huling usap namin..

Nasa bahay na ako… gulong-gulo ako. Oo, kailangan taposin na namin yung pagkakaibigan namin, para maging fair kay FL tsaka kay TL. para hindi na rin umasa si FL. Kung pag-iisipan ko talaga, di ko kayang hiwalayan si TL para lang kay FL di ba? Pero masaya talaga ako pagnakakasama ko si FL eh… ang selfish ko talaga.

after a month, nagkaroon na ko ng trabaho sa probinsya namin, medyo patayan yung sched ko kaya hindi naman din kami nakakapag usap ni FL. Pero i find time to call or talk with TL. Hindi na rin naman kumukulit si FL. . .

ngunit…

to be continued..

 

First Love … True Love .. Part 11

Nasa opisina na ko.. pero si FL pa rin ang nasa isip ko. Bakit nag kita ulit kami? ang liit talaga ng mundo. bakit?? Paulit ulit kong iniisip.  Lunch break, sinilip ko friendster account ko (oo, sikat pa friendster noon, hindi pa masyado kilala facebook). May new message.. hindi ko kilala yung username. binuksan ko:

“uy, nakita kita sa mrt ha? kumusta ka na?”

hindi ko na ma-emember yung nafeel ko.pero alam ko na kung kanino galing pakatapos kong basahin yung maikling message. pero para i-confirm binuksan ko pa rin yung account. kay FL nga! Sa loob loob ko, masaya ako. namiss ko rin naman kasi talaga siya.

Alam ko, unfair kay TL to. hindi ko naman kasi mapigilan sarili ko. Iba ***** kasi talaga yung tama ko kay FL noon. andami pa kasi talagang “what if’s” ang nasaisip ko. ganun kasi siguro talaga yung feeling sa mga first love o sa mga “one-that -got-away”. so, yun na nga.. nagsimula nanaman communication namin ni FL.

Nalaman ko dito na siya nag tatrabaho since 2007. kasama niya dito yung gf niya (yung ex niya nung huli naming pagkikita), sila nanaman pala ulit. Lagi nakaming nagchachat si YM (oo, alam ko na ring gamitin yan, hehe!). naging magkaibigan ulit kami.

Nagkasundo kami minsan ni FL na magkita. nag dalawang isip ako nung una kasi feeling ko mali. Pero inisip ko nalang magkaibigan naman kami diba? ano masama dun? yun yung lagi kong iniisip. hindi ko nga lang masabi kay TL. but i know, it’s still wrong. iba yung nararamadaman ko.

Nagkasundo kami magkita sa coffee shop. after office. Papunta nako sa meeting place. ayun, sumasakit nanaman yung tiyan ko (again, hindi rin ako natatae, hehe), Nauna ako sa meeting place. (excited!) ano ba to. am i cheating on TL? hindi naman, pero bakit feeling ko this is all wrong??  Nag order na ko ng kape ko. katext ko na si FL. papunta na daw siya. haay, sumasakit talaga yung tiyan ko, totoo pala yung ‘butterflies’ sa tiyan. haha!

Dumating siya 10-15 mins after kong dumating. Ang gwapo na niya talaga. wala na yung slightly long hair niya. marunong na rin siya mag gel. ang bango niya pa. ano ba tong iniisip ko! nagkumustahan kaming dalawa. Nagla-itan. sinabihan kong bakit ang panget at payat payat na niya (sa totoo lang iba yung gusto kong sabihin) nakwento niya na baka bumalik na siya sa probinsya, nag resign na daw siya sa trabaho niya, mag masteral daw siya doon. aba, seryoso na sa buhay si FL, na isip isip ko. Kinumusta ko sila ng gf niya. hindi siya umimik. In-open niya sakin na nagkakalabuan daw sila, kasi gustong makipag break sakanya nung gf niya and aalis na daw ng pinas yung babae. Nakita ko naman sa mata niya yung sincerity at lungkot niya. Pero pilit siyang ngumingiti. Nung pansin kong masyado ng seryoso yung usapan.. pinutol ko na yung conversation. nag change subject ako. Napansin niya yata. “tara, nagdinner ka na ba?” tanong ni FL. “bakit manlilibre ka?” biro ko sakanya. Kumain muna kami sa isang restaurant (sosyal, hindi na siya nagyaya sa fast food). Ang laki na talaga ng pinag bago niya. Pero andoon pa rin yung pagiging makulit at joker niya. Ang saya ng dinner namin.

Pagkatapos naming kumain, naglakad na kami papunta sa sakayan ko. binitbit nya yung mga dala ko. ang saya niya kasama, namiss ko talaga siya. nagbibiruan nanaman kami. ‘Mali talaga to’ laging pumapasok sa isip ko. Pero masaya ako ng moment na yun. ok lang naman maging masaya diba? pero alam kong mali talaga. Nasa sakayan nakami. Gusto niya pa akong ihatid sa apartment ko. Gustong gusto ko yun. kaso pinigilan ko sarili ko. Sabi ka huwag na, sobrang out of the way na siya and malayo pa uuwian niya (alabang). Pumilit siya, gabi na daw kasi. baka may mangyari pa sakin (naks, touch talaga ko, kung alam niya lang). Pero pinagdiinan ko na huwag. sumakay nako ng FX. Gusto ko siya i-hug, hindi ko nagawa, mali diba?.  so ayon, iniwan ko nanaman siya.

Nasa apartment nako, tiningnan ko cellphone ko (yup, meron na rin ako niyan). Nagtext pala si TL. tinatanong kung naka uwi na ko. lagot! 2 hours ago pa yung text. ano sasabihin ko?? ano ba to! para talagang may mali akong ginawa. di ko masabi yung totoo kay TL. feeling ko i’m cheating, pero hindi naman. I’m cheating technically diba? ex ko yung kasama ko, ang malupit pa, iba yung nararamdaman ko. Nakonsenya naman ako (meron naman ako nun). Ano ba ‘to! bakit pa kami nagkita ulit ni FL?

Kachat ko minsan si FL sa YM. kukuwentuhan kami. ewan ko ba, biglang napaseryoso yung usapan namin. napag usapan namin yung nakaraan. kung bakit kami nagbreak.  kung bakit nagka ganun kami, eh di sana daw siguro kung hindi nangyari yun, siya daw ang nag aalaga sakin, siya daw ang nasa tabi ko ngayon. “eh, bakit mo kasi ginawa yun!” sabi ko sakanya, habang napapaluha na ko. For the first time, inexplain niya yung buong istory noon. yung hindi ko tinapos pakinggan kasi nga humahagolgol nako. Nag sorry siya. Hindi niya daw intention yun, at hindi niya rin daw in-expect yun doon sa babae kasi kaibigan niya daw yun. Pinagsabihan niya yung babae.  Tapos minsan daw, pinatawag niya sa bahay namin yung babae para mag explain. kasi nga hindi ko na siya kinausap at pinakinggan noon. May times din daw na dumadaan siya sa bahay namin para makita lang ako. (naks! natouch naman ako). Tsaka sinabi niya din sakin na nagtampo siya nung gusto niyang maki balikan at hindi ako pumayag. Inexplain ko din sakanya. Sa wakas, nagka-intindihan na kami. nasabi na namin lahat na gusto naming iparating sa isa’t isa.

Pero, it’s too late na nga. Meron na akong ibang mahal. meron na kong TL. meron na saking nag aalaga. meron ng isang taong lagi nasa tabi ko. Hindi naman ako totally nagsisi sa mga nangyari. It leads me to TL diba? tska mahal ko kasi si TL. Bakit pa kasi kami nagkita ulit. bakit?

Siguro nga para magka ayos lang kami, para magkaroon ng formal na usapan. siguro nga… Napagkasunduan namin na maging magkaibigan nalang kami with constant communication. mabuti na yung ganun diba? alam namin kung saan kami lulugar, kung saan siya lulugar. ok na kaming magkaibigan. period.

nakalipas ang ilang buwan, ganon na nga, magkaibigan kami. paminsan minsan magka chat.pero hindi na kami ulit nagkikita. mahirap na. Hindi ko masabi ang lahat ng ito kay TL. mahirap na. seloso pa naman siya. Basta alam ko sa sarili ko na wala naman akong ginagawang masama. masama bang makipagkaibigan sa ex?? hindi naman dapat diba? – yun ang paniniwala ko noon.

Umuwi na sa probinsya si FL. mag aaral ulit. Pero ganoon pa din ang communication namin, chat, text. Sa di inaasahang pagkakataon din, nag resign na ko sa trabaho ko. Napagod na din kasi ko. Gusto ko na maghanap ng ibang trabaho. Pina-uwi muna ako ng nanay ko, try ko daw maghanap ng trabaho doon sa probinsya.

Syempre, ang hirap samin ni TL. Umiyak siya sakin, ayaw niya kong payagan nung una. pero, naintindihan niya naman ng huli. inexplain ko naman kung hindi ako makahanap doon, babalik ako agad dito. bahala na. Natatakot din ako, hindi kami sanay sa long distance relationship. hindi namin alam kung kakayanin. again, bahala na.

to be continued..

First Love … True Love .. Part 10

so ayun di na nga nagparamdam si FL. Hindi ko alam kung magagalit talaga ako sakanya, kasi naman, ok na eh. friends na ulit kami. Bakit nagmamadali siya? Haist.. Binigyan ko ba siya ng false hints? hindi ko talaga alam.

sa school, nag-yaya ang isang kaklase namin, house blessing daw, may kainan. O syempre, di ko papalampasin yun, pagkain yun. Dumating ako sa bahay nila medyo late na, kasi late na din natapos yung klase ko. Pag dating ko, halos andun mga kaklase namin except kay TL (oo, hinahanap ko pa rin siya, di ko rin alam kung bakit). Deadma lang ako, syempre galit ako kay TL di ba? Wala din nakabanggit kay TL, kasi alam pa ng mga kaklase ko na maselan pa yung subject na yun.

Pagkatapos naming kumain, wala na. nagkukuwentuhan nalang. Syempre, may nagsuggest na maglaro. as usual, truth and consequence ulit (oo, usong uso pa noon ang larong yan). Since, wala din naman si TL, game ako!  Halfway sa laro… tada! dumating si TL. anak ng! kinabahan ako, di ko rin alam kung bakit, iniiwasan kong tingnan siya. kung alam niyo lang kung gaano ko pinalangin na huwag matapat sakin o sakanya yung bote. . . syempre, di ko kukuwento ‘to kung hindi nga di ba? so ayun, kinulong nanaman kami sa kwarto (ewan ko nga ba kung bakit yun yung consequence namin)…

“sorry..” yun yung una niyang sinabi. nagpapaliwanag na siya sa akin.. bigyan ko daw ng second chance.. napapluha na ako. hindi ko na napigilan, lumalabas yung mga tinatago kong emosyon. Sinabi ko sakanya lahat, yung galit ko, yung sakit na nararamdam ko. lahat. Umiiyak na ako. Umiiyak din siya.. ilang minuto kaming ganun. Ewan ko nga din kung bakit ang tagal namin doon sa kwarto, akala ko 5 mins lang yung consequence…

Naki-usap si TL. mag simula daw kami sa simula, liligawan niya daw ako. Kasi nga hindi naman kami dumaan sa stage na yun di ba? bigla nalang kaming nadevelop kung baga. Ano? ano ba dapat kong gawin? Oo, gusto ko pa rin siya. Pero hindi ko alam kung mababalik pa kami sa dati. kung baga, nawala na kasi tiwala ko. Ayoko namang mamatay kakaisip kung nasaan siya at sino kasama niya pag hindi ko siya nakikita, diba? Haist… pero, ewan ko ba. mahal ko pa rin talaga kasi siya. kung sabagay, everybody deserves a second chance. maybe.. we need a second a chance. So yun na nga. Pumayag na ko. Pero, i made it clear to him na kailangan niya i-earn ulit tiwala ko. kapag nangyari ulit yun mga ganon, magkalimutan na talaga kami.

And I made the right choice. Naging mas ok kami ni TL. Mas nagka-intindihan kami. He adjusted, I adjusted. Oo, hindi pa rin mawawala ang mga tampuhan, pero we made sure na napag uusapan at nagagawan ng solusyon. unti-unti ring bumalik yung tiwala ko sakanya.

Dumaan ang graduation, napakilala ko na rin siya sa tatay ko as boyfriend ko. wala na rin namang nagawa yung tatay ko.  Sa wakas, legal na talaga kami.

Lumuwas na kami ng maynila. mag rereview na para sa board exam. Naka dorm ako, naka apartment si TL, magka-iba ang review center namin. Hindi man kami araw-araw nagkikita tulad nung college.  Dumadalaw siya sa dorm paminsan-minsan para mag aral kami. Na hospital ako during the review, andoon siya sa tabi ko. Nagkalagnat ako, andun din siya. Sa haba ng review namin hindi ko alam kung masusurvive ko yun kung wala si TL.

Board Exam..

Hindi nakami nagkita 2 days before the exam.. Para makapag concentrate na rin. Dumating ang nanay at tatay ko galing probinsya para supportahan ako. 2 araw lang naman ang exam. First day.. ok pa sakin, nakahinga na ko, Isa na lang tapos na ang exam. 2nd day.. Nahirapan ako sa huling subject. Bahala na. Pagkatapos na pagkatapos ng exam. Bumalik na ko sa dorm. Kinakabahan ako, mukhang marami akong di nakuhang tamang sagot.

Andun si TL sa dorm. Nag aantay. Tinulangan niya ko mag impake, uuwi na kami ng magulang ko papuntang probinsya. Maiiwan si TL. Nasa maynila lang din kasi mga kapatid niya. Nagyaya siya magsimba kami bago ako umuwi.

November 2006

Nasa bahay ako, apat na araw na since natapos yung exam. Apat na araw na din kaming hindi nagkikita ni TL. First time naming magkalayo. (oo, apat na araw lang naman, hindi kasi ko sanay na iniisip na ang layo ng distansya naming dalawa)..Tumunog yung cellphone ko.. nagtext yung kaibigan namin ni TL. “congratz sa inyong dalawa!” .. huh? bakit? kinabahan ako.. tinwagan ko yung kaibigan ko… Nakapasa daw kami pareho ni TL. Tuwang tuwa talaga ako noon. Naglulundag kami ng nanay ko. Tinawagan ko kaagad si TL. Alam na din daw niya. Haay.. pareho na kami pasado. Natapos na ang pagiging estudyante namin. Magsisimula na kami sa career namin. Hindi namin alam pareho kung saan papunta ang mga buhay namin. Natatakot din ako, kasi madami pwedeng mangyari. dadaan nanaman kami ni TL sa mga bagong pagsubok.. kakayanin kaya namin?

Dumaan ang 2 taon..  5 years na kami ni TL… pareho na kami may sariling trabaho. Andito na rin ako sa maynila.. Siya nasa pasay ako nasa ortigas. Paminsan minsan dumadalaw siya sa aprtment ko sa pasig. minsan naman, ako yung pumupunta sa kanila. Masasabi kong ok pa rin kami ni TL. Wala na kaming masyadong pinag aawayan. Naubos na yata namin noon ang lahat na pwedeng pag-awayan.. Napapag usapan na rin namin ang mga plano namin.. kung kelan kami magpapakasal, kung ilan ang gusto naming anak.  etsetera.. (lahat naman yata ng magka relasyon, napapg usapan yan)..

Pero, pilit binabalik nga talaga ng panahon ang nakaraan…

May 2008

Papasok ako ng opisina, nagmamadali.. malalate nanaman ako. Nasa MRT platform ako.. nag aantay ng tren.. Sa gitna ng maraming tao.. May nakita akong familiar sakin.. palapit siya sakin.. ng makita niya ako, napahinto din siya… si FL! wapak!! ang lakas ng kabog ng dibdib ko. ang gwapo na niya. Kung noon, lagi ko siyang nakikitang naka rugged na porma, ngayon, ibang iba na siya. Naka pang opisina. Malinis. Mukhang mabango. Tinitigan ko siyang mabuti. Siya ba talago to??  Ng ngumiti siya. ayun! siya nga si FL. hindi ako nagkakamali. ***** sa sobrang panic ko.. wala na akong ibang nagawa kung ‘di kumaway at magsmile. Pumasok na ko sa dumating na tren. . hindi pa rin ako mahimasmasan. iniisip ko pa rin si FL. Bakit ko siya nakita dito? bakit ngayon?? …

to be continued..

 

 

First Love … True Love .. Part 9

Isang gabi.. Tumawag si TL. Mukhang seryoso.. di umiimik.. “you don’t deserve me” sabi bigla ni TL. Kinuwento niya hinalikan daw siya nung ex niya, habang tinuturuan niya. Naku!!! narinig ko na to! bakit ulit nanaman?! Umiiyak na ko, nag eexplain siya sa kabilang linya, di ko na siya maintindihan, humagulhul na ko. Isa lang ang nasasabi ko.. “bakit? may pagkukulang ba ko..?”

Binaba ko na yung phone, di na kasi ako makapagsalita. Nagkulong na ko sa kwarto. Simula noon, di na kami nag uusap. Umaalis ako kaagad pagkatapos ng klase. Ayoko siyang makita. Sobrang sakit kasi.  Binigay mo yung tiwala mo, wala pala. Ang hirap. Gulong gulo ako noon. HIndi na rin siya tumatawag. Parang hindi na kami magkakilala. Sa klase, Umuupo ako kung saan pinakamalayo sa kanya. Nagtatanong na mga kaklase namin, hindi ko sila pinapansin. Di na rin nila ko kinukulit.

Ilang linggo na ang nakalipas, umiiyak pa rin ako bago matulog, pagkagising, habang kumakain. Ang sakit eh. Hindi ko alam noon kung ano gagawin ko..

Isang gabi.. Nasa kwarto ako, nagmumuk-muk pa rin, Tumunog yung cellphone ko. “uy, kumusta ka na? pwede tayo magusap?”… number lang, wala siya sa phonebook ko. Ewan ko ba, parang kilala ko kaagad kung sino.. Pero, di ako sigurado. Kinabahan ako, sumakit yung tiyan ko (uulitin ko, hindi naman ako natatae nun).. nag reply ako kung sino siya..  Nagulat ako ng sinabi niyang si FL siya. Hala!! paano niya nalaman number ko? “Pwede ba kong tumawag?” .. ewan ko ba, na excite ako. since hindi naman nagbago yung phone number namin, tumawag siya. First time namin ulit mag usap after 3 years, nag kumustahan, nagkwentuhan, parang dati lang. parang walang nangyari.

Nalaman kong kakabreak lang niya with his gf, kailangan niya lang daw ng makaka usap. Ako daw yung naisip niya. hindi nga din niya daw alam kung bakit ako. Nasabi ko rin sa kanya na kaka break ko lang sa bf ko. pero di ko sinabi kung bakit. Ayun, simula nanaman ng pagkakaibigan namin, lagi na siyang tumatawag. Parang dati nga lang ulit. Pero hindi na namin napag usapan yung naging problema namin, ewan ko ba. Napatawad ko na naman kasi siya, tska matagal na rin naman yun.

Birthday ng nanay ni FL, ininvite niya ko pumunta sa bahay nila. Pinag isipan ko, since may 5 hours vacant naman ako noon. pumayag ako. Parang dati lang… ang bait pa rin ng nanay niya sakin, parang walang pinagbago bahay nila.. pagkatapos kumain, nasa likod kami ng bahay nila. kwentuhan kami. maya maya, pumasok siya, pagbalik niya.. may bitbit na siyang guitara. Hinarana niya ko, kung dati sa telepono lang.. ngayon, personal na. Kinilig talaga ako. Naging masaya nanaman ako. Pero in the back of my mind, iniisip ko pa rin si TL. Ano kaya ginagawa niya ngayon? tanong ko sa sarili ko. Ewan ko ba, habang kumakanta si FL, ang naiisip ko si TL. Haist… Natapos ni FL yung kanta, kwentuhan ulit kami, napagkwentuhan namin nung kami pa, yung kulitan namin, yung mga magagandang nangyari samin (iniiwasan pa rin namin yung pangit na nangyari).. Napag usapan namin yung mga letter na binigay ko sakanya. Sabi ni FL, nakatago pa daw yung mga yun. Pero hindi niya daw papakita sakin. Kinulit ko siya, gusto kong makita ulit. Pumunta ako ng kwarto niya, hinanap ko, sa drawer, wala; sa ilalalim ng kama wala.. asan kaya (gusto ko kasi talagang makita kung tinago niya talaga).. nasa may pinto lang siya, nakatawa “hindi mo talaga mahahanap yun dyan, sabay tumingin sa kisame ng kwarto. “ano? nandyan sa taas??!!” nagulat ako bakit nasa taas?! ..  kumuha siya ng upuan, inabot yung kisame, tinulak, maya maya may binaba siyang isang box.

Andun nga lahat ng letters ko sakanya, pati mga gift ko, Panyo ko na pinahiram sa kanya nung minsang pawisan siya., lahat nandun. Magkaharap kami nung inuungkat ko yung mga gamit, napa tingin ako sakanya. Gusto ko siyang halikan (di ba nga hindi namin nagawa yun nung kami), gusto ko siyang yakapin. Pero pinigilan ko yung sarili ko. Nakatingin lang siya sakin, napatitig ako sakanya. lakas ng kabog ng dibdib ko. kinakabahan ako.. Nag smile nalang din ako, tska  biglang inayos na yung mga gamit. “bakit, mo naman tinago pa tong mga itp, dapat tinapon mo na.” biro ko sakanya habang nililigpit na at isa isang binabalik sa kahon. “eh, sakin yan, binigay mo yan.” sagot ni FL. Tinakpan ko na yung box, binigay ko na sakanya, “O, itago mo na, baka bawiin ko pa yan.” sunod na biro ko sakanya. “tara, na nga, may klase pa ko” sabay sabi ko habang palabas na ng kwarto niya. Sa totoo lang gusto ko pa mag stay, gusto ko pa siyang makasama.

Oo, alam ko, kakabreak lang din namin ni TL, wala pa ngang formal breakup kasi hindi na kami nakapag usap. hindi naman bawal makipag kaibigan ulit kay FL di ba? Masaya nanaman ulit ako, ok na ako doon, magkaibigan ulit kami. At hindi na rin ako nag eexpect na magkakabalikan kami ni FL..

Niyaya ako minsan ni FL, manonood daw ng sine. Since,  wala naman ako ginagawa noon, pumayag ako.. Papasok na kami ng sinehan.. Since nga maliit lang ang probinsya namin, ayun! may naka kita saming kaibigan namin ni TL. Ewan ko ba, kinabahan ako. Parang feeling ko i’m cheating on TL. eh, hindi naman kami diba?  Pagkatapos naming manood ng sine, uneasy pa rin ako. Bahala na.

Kumain kami sa isang carenderia, hindi pa rin siya nagbabago, makulit pa rin. mahilig pa rin mag joke. Kontento na ako na ganito na ulit kami. Ok na ako. Pero, si FL, hindi pala…

Isang araw nag text si FL.. Out of nowhere, sinabi niyag gusto niyang makipag balikan. Nagalit ako. Bakit?? Akala ko, ok na muna kaming magkaibigan. Binabalik lang namin yung dating samahan namin diba? ok na ko dun eh. Bakit kailangan niya i-complika. Masaya na ko kung ano meron kami. Nagalit talaga ako. inexplain ko sakanya yung situation namin: Siya, kaka-break lang nila ng gf niya, same din with me. Ang pangit kung papasok kami sa ngayon sa isang relasyon. Na alam naming meron pa kaming nararamdaman doon sa mga taong yun. Ayaw ni FL i-accept yung reason ko kung bakit ayoko. Hindi na siya nag reply. Hindi na rin siya ulit nagparamdam…

to be continued..

First Love … True Love .. Part 8

Nasa bahay na ko, nasa kwarto, hindi ako makatulog..”bakit nga ba ayoko marinig sasabihin niya?” napatanong ako sa sarili …  biglang nag ring yung telepono. “uy, A****, may kakausap daw sayo, nung una di ko nakilala, kaklase ko pala, di pa sila tapos mag inuman. “hello?” boses ni TL.. “sino to?” kunwari di ko nakilala. “bakit umalis ka kaagad kanina?” sabi ni TL. “eh, baka hinahanap na ko ng nanay ko, tsaka medyo late na din.” casual kong sinagot. “kumsta ka na?” sunod na tanong ni TL. “ok lang naman, inaantok na. “bakit ka umiiwas sakin kanina?” sabi ni TL. “eh, ikaw kaya unang umiiwas sakin.” mabilis kong nasagot. Hindi siya kumibo.

Nararamdaman ko na ang pwedeng sabihin niya, ayokong ako yung magtanong, ayokong ako unang magsabi. Ilang minuto pa ang nakalipas, ganun yung takbo ng usapan namin, pareho kaming umiiwas sa gusto naming marinig. alam ko sa sarili ko na mahal ko na siya, ayaw ko lang aminin.

Ewan ko ba di ko na maalala kung ano exacto nangyari, next thing I know, umamin siya, napa amin ako. Di ko rin alam kung kami na o lahat ay usapan lang. Ang sigurado lang ako, after ng usapan sa telepono na yun, mas naging close na kami ni TL. Mas naging sweet siya sakin, lagi na siya nasa bahay. Sumama siya sakin para mag summer school, magkaklase kami, nahahalata na ng ibang kaibigan namin, pero pinipilit naming itanggi at itago sakanila. Maraming magagalit, isa doon yung 2nd bf ko na kaibigan namin. Isa din doon yung isang close friend ko na ex ni TL. Maraming complication.

dalawang buwan ang nakalipas. Pasukan nanaman, 4th year nakami. Kaklase pa rin namin si 2nd bf, hindi pa namin inaamin sakanya, sa mga kaklase namin. Pero, nagtatanong na sila. Ngumingiti lang kami. Sabi namin, close lang talaga kami, pilit kaming umiiwas sa mga tanong na yun.

Isang araw, kinausap ako ni TL. Nag usap na daw sila ni 2nd bf, sinabi na niya na kami na. Naging maayos naman daw yung usapan nila. ok lang daw kay 2nd bf, kasi kilala naman daw niya si TL. hindi naman daw ako sasaktan. Na touch naman ako. Gumaan yung pakiramdam ko, hindi na namin kailangan magtago.  Masayang masaya ako nung mga sumunod na araw.

Noon ko lang naramdaman kung paano alagaan ng isang taong importante sayo, noon ko lang naramdaman kung pano talaga magmahal. Napaka sweet and romantic niya. May instance pa ngang dumating ako ng bahay galing school, pagpasok ko ng kwarto ko, may mga bulaklak. Dumaan daw si TL sa bahay dala dala yun, pinasok niya sa kwarto. ang nakakahiya pa nga, inayos nya pa yung kwarto ko, eh kasi naman, malay ko bang papasok siya doon.

May mga araw din na bigla niya nalang akong bibigyan ng isang rose sa klase, hindi ko alam kung bakit, pero masaya ako pag ginagawa niya yun.  Ganoon pala pag may nagmamamahal sayo.

Alam naman nating lahat na hindi naman laging masaya sa isang relasyon. May mga tampohan at di pagkakaintindihan din kami ni TL. Lalo na kasi magka-ibang magkaiba ang ugali naming dalawa. Kung siya tahimik, ako maingay. kung siya lagi nasa bahay, ako laging nasa labas. Ganun kami ka opposite. Pero lagi naman naming pinag uusapan. nag aadjust ako, nag aadjust din siya. meet half-way kung baga.

Pero may mga panahon at araw din kami na hindi talaga magka sundo. .

September 2003..

May klase si TL, gabi, 7pm, Minor subject siya kaya hindi kami magkaklase. Isusurprise ko siya, inantay ko matapos klase niya. monthsary namin, may ibibigay akong regalo.. Tagal matapos, tagal nila lumabas sa building. Umaambon na, sumilong sa kabilang building. .. Ilang minuto lang, lumabas na yung mga kaklase niya, nakita ko na siya.  Palapit na sana ako, ng bigla kong nakita may kumabit sa braso ni TL, isang babae, mahaba buhok, di ko na nakita mukha. Napahinto ako, di ko alam kung lalapit pa ako o hindi na. tinitingnan ko lang sila. Inalis ni TL yung pagkaka-kapit nung babae. Buti naman, naisip mo. napabulong ako sa sarili ko. Nabigla ako ng nilagay niya kamay niya sa ulo ng babae. Umuulan kasi, sinakloban niya yung ulo. Ang sakit talaga! Umalis na ako. Di ko na alam ang gagawin ko. Tinapon ko yung regalo. Noon ko lang din naramdaman yun, iba pala kapag nakita mo, naalala ko si FL, pareho pareho lang sila. Ang sakit sakit. Bakit kaya lagi ako? May pagkukulang ba ko?

Kinaumagahan sa klase, hindi ako umiimik, iniiwasan ko si TL. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Pilit niya kong kinukulit. Ngumingiti lang ako. Hanggang sa tumigil na rin siya sa pangungulit, nahalata na din niya. Sabay pa rin kaming umuwi, Naglalakad kami papuntang sakayan… “bakit di ka umiimik? may problem?” tanong ni TL.. “wala”.. yun lang ang nasagot ko. Ayoko pa pag usapan.  Hinatak niya ko, pumunta kami sa isang kainan. “mag-usap tayo” sabi niya. Umupo ako, ang sakit na ng dibdib ko, parang sasabog na.. “sino yung babae?, bakit ganon kayo ka-close?…..” nakwento ko sakanya nangyari nung gabi, nung hinintay ko siya, nung nakita ko lahat… tumawa lang siya. Kinuha niya yung phone niya. Pinapapunta niya doon yung kausap niya sa phone.. Pag baba niya ng phone. Nakangiti lang siya sakin. Inis na inis ako. Hindi naman joke yung sinabi ko eh, bakit siya tumatawa, halos maiyak na ko. Aalis na sana ko. hinatak niya uli kamay ko. “sandali lang, may papakilala ako sayo, antayin lang natin siya.” sabi ni TL. Naguluhan na talaga ko. Bat ngayon niya pa papakilila? nasa gitna kami ng confrontation.

May dumating na babae, pinakilala niya, Pinsan niya, galing ibang probinsya, sakanila nakatira. Transferee.  Gumaan yung pakiramdam ko. Pero nahiya ako. Siguro pulang pula ako noon. Malay ko ba. Kahit sino namang gf pag nasa sitwasyon na yun, iisa lang ang iisipin diba? So, yun, ok nanaman kami, tinatawanan na namin yung problema. Malaking bagay din pala sa relasyon ang tiwala. Kailangan yun para lalo tumibay ang isang relasyon.

Pero talaga sigurong sinusubok kami ni TL…

Nakwento na dati ni TL yung ex nya, yung niloko siya, yung nasa ibang school, di naman daw niya minahal yun (yun yung sabi nya noon). Nakwento niya ulit na tumatawag daw ulit sakanila. Kaibigan nalang daw sila. Sinasabihan na din daw niya na may bago na siyang gf. . . Tiwala . . Dapat meron nga diba? so, ayun, nagpaka ***** ako, sabi ko hayaan mo na. Basta alam din niya kung saan siya lulugar, magkaibigan lang naman siguro.

Ayun na, sinubok yung tiwala ko.  Nagpapa-alam si TL, gusto daw magpa tutor nung ex niya sa kanya. Sa bahay lang daw nila. nung una di ako pumayag, ayoko. Sabi naman daw ni TL, last na yun kapag pinagbigyan niya, di na daw siya kukulitin.  ok fine, naisip ko nalang andoon naman nanay niya. Basta wag lang gabihin sa bahay nila yung ex niya. Susugurin ko talaga siya.

to be continued..

First Love … True Love .. Part 7

May event sa school, may concert, Nakatambay kami sa tambayan namin (isang bahay na inuupahan ng grupo namin na malapit sa school). Dun kami nagkita-kita para sabay sabay ng pumunta sa school. Dinala ko yung isang nanliligaw sakin, Gusto sumama. Habang inaantay namin yung iba pang kaibigan at kaklase namin, dumating si TL. pinakilala ko siya sa nanliligaw sakin. Nag smile lang siya. Kwentuhan na kami. Hindi masydong umiimik yung kasama ko. Nahihiya siguro. So kinakausap ko nalang para hindi siya ma OP. Completo na. Aalis na kami. Naki usap yung kasama ko na huwag na daw kaming sumama. Dun nalang daw kami. Napa isip ako, kung sabagay ayoko naman talagang manood nung concert. Ayoko kasi sa maiingay at masisikip na lugar. So, pumayag ako. hindii na kami sasama.

PInipilit kami ng mga kaibigan namin, lalo na si TL. Sayang daw, maganda daw yung concert. Sabi ko, ok lang naman. Dun nalang kami. Balikan nalang nila kami, pakatapos. So, yun na. Umalis na sila. Kwentuhan kami nung kasama ko. Awkward kasi first time ko din mag isa na kasama yun.  Mga ilang minuto lang, may kumakatok na. Nagulat ako, Andun na ulit yung mga kaibigan ko. “o, bakit ang aga niyo? di na ninyo tinapos?” napatanong ako sakanila. “hindi na, ang boring eh, dito nalang kami.” aniya ng isang kaibigan ko. Magdamag nalang kaming nag-inuman at kwentuhan sa tambayan.

Nalaman ko nalang mga ilang araw ang nakalipas, si TL daw yung nagyaya pabalik sa tambayan. Ayaw niya daw kasing ma-iwan ako kasama yung nanliligaw sakin.na-touch naman ako, concerned na siya sakin. Natuwa naman ako pero not
to the point na kikiligin.

Kung minsan may problema ako sa pamilya, sa di inaasahang pagkakataon, kay TL ko nasabi, kasi naman siya lang yung nandun, yan tuloy sakanya ko umiyak, sakanya ako lumabas ng sama ng loob. First time kong umiyak ng ganun sa harap ng lalaki, ewan ko ba. komportableng komportable ako sakanya. in fairness naman sakanya, nakinig lang siya, binibigyan niya ko ng tissue, pinapaypayan (kasi ang init noon) hanggang sa pinapatawa niya na lang ako. Niyaya niya ko kumain ng ice cream, tumambay kami doon. inisa-isa namin lahat ng flavors. Hindi ko nga matandaan kung naka ilan akong ice cream. hindi natapos ang araw na hindi ako masaya, na hindi masakit yung tiyan ko kakatawa.

January 2003

Nasa labas kami ng isang classroom, inaantay yung  prof. Nagkukwentuhan at nagbibiruan ni TL. Nasabi ko sakanya na gusto ko na sagutin yung nanliligaw sakin. Nagalit siya sakin. “huh? bakit mo sasagutin? mahal mo na ba siya?” tanong ni TL.  “Ummm, hindi ko pa sure, pero parang oo na kasi, mabait naman siya. Tapos kahit ang layo ng school
at bahay nila (which is 2 hours away from our city), pumupunta siya para magkita lang kami. effort na rin yun. Tapos ayun, galit talaga siya. Sabi niya hindi pa nga daw nagtatagal since nagbreak ako with my ex, tapos magkakaron nanaman agad ulit ako ng bf. oo, tama nga naman siya. naiintindihan ko naman yung point niya. Pero, bakit grabe galit niya?

Akala ko makalipas lang ng ilang araw, balik na kami sa dati ni TL. Pero hindi, umiiwas na siya sakin. hindi na siya tumatabi sa akin sa klase. bihira na din siya magtext o tumawag sa bahay. Hindi ko naman masyado pinapansin yun. Pero kahit magkaibigan lang kami, hindi talaga ako makampante na meron sakin nagagalit. Pilit ko siyang nilalapitan…

Intramurals.. May basketball game si TL. pagkatapos na pagkatapos ng klase ko. Dumeretso na kami ng kaibigan ko sa covered courts kung saan gaganapin yung games. Andun na, naglalaro na sila. Sana makita niya ko, para isipin niyang pinapanood ko siya. Tinapos ko yung laro nila, nilapitan ko siya right after, nakaupo siya sa bench, nililigpit mga gamit niya.  “Uy! galing mo ha?! congrats nanalo kayo, saan ang treat mo” biro  ko sakanya. Tiningnan niya lang ako. Blangko yung mukha. Inis na inis ako. Umalis nalang ako dun, hinatak ko yung kaibigan ko. “O, ano nangyari?” tanong nung kasama ko. “Ewan..” yun lang ang nasabi ko.

nakalipas ang ilang linggo,kahit magkaklase kami sa halos lahat na subjects, hindi talaga kami nagkikibuan. Galit din ako sakanya, bakit niya ko iniiwasan?? kainis. napapansin na din ng mga kaklase namin, dati kasi kami yung nagkukulitan, ngayon parang hindi kami magkakilala.

Ewan ko ba, bothered talaga ako. First time kong hindi makakain dahil sa iniisip ko. Bakit niya ko iniiwasan? dahil lang ba dun sa nasabi kong balak ko ng sagutin yung nanliligaw sakin?  nakukuwento ko sa nanay ko si TL. Pansin ng nanay ko na bukang bibig ko na nga siya. Inaasar ako, baka daw inlove na ko kay TL. What?? “hindi kaya, kaibigan ko lang kaya yun. hindi pwede.” Yan ang lagi kong sagot sa nanay ko.

Hindi na rin siya maalis sa isip ko. Ewan ko ba, namimiss ko lang ang kwentuhan at kulitan namin sa klase, namimiss ko lang siguro pang aasar niya sakin. siguro nga namimiss ko lang talaga siya.

March 2003

Magbabakasyon na. Final exams na yung pinagkaka busyhan naming lahat. Hindi pa rin kami ok ni TL. Minsan nilalapitan ko siya, ngumingiti na siya sakin. Pero hindi na katulad ng dati. Hinahayaan ko nalang. pero, hindi talaga ako mapakali. Bahala na.

Tapos na ang finals… Nagyaya yung isang kaklase namin na mag inuman at matulog doon sa bahay nila. Sabi ko susunod nalang ako since malapit lang naman sa bahay ang lugar nila.  gabi, pakatpos magpaalam sa nanay ko, pumunta na ako sa bahay ng kaibigan ko. Palapit palang ako sa bahay nila, naririnig ko na halakhakan nila, pumasok na ko. nakapagsimula na silang uminom, nagkakatuwaan na. Naki-halubilo na rin ako.  KOnti lang iniinom ko kasi uuwi pa ko at dala ko yung motor namin. Habang nakikilulitan ako… Pumasok si TL. awkward talaga.. Umupo siya, nakikipag biruan na din siya. tagay dito tagay doon. Naisipan maglaro ng truth or consequence.. ang saya.. nung natapat kay TL.. tinanong siya… consequence daw.  Nagsalita yung isa naming kaklase. ikulong daw kaming dalawa ni TL sa kwarto ng 5 mins. hala!! ba’t ako nadamay? Eh, hindi daw kasi kami ok. kailangan daw naming mag usap. Tiningnan ko si TL. nakangiti lang siya. Ayaw ko talaga. Since maliit lang ako noon at mga lalake halos kaklase ko. ayan, nakaladkad ako papuntang kwarto… Ni-lock at nagwardyahan ng mga kaibigan namin yung pinto. 5mins…

Kumakatok ako, sabi ko lalabas ako. Ayaw pa din pumayag ng mga kaklase namin. Haist, panu ba to? ayaw nga ako kausapin diba???  awkward talaga. lumingon ako. naka upo si TL. Di umiimik. Napatingin siya sakin “upo ka.” biglang sabi. “bakit ako uupo?” wala ako ibang nasabi..

ilang minuto.. di ako umiimik, di rin umiimik si TL.. gusto ko na talaga lumabas ng kwarto.. kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.  “May sasabihin ako…” sabi ni TL. naku.. kinabahan ako lalo.. “ano naman yun? tara na nga, 5minutes na yata” pilit kong binabago yung usapan. kinakabahan ako sa sasabihin niya, may kutob na ko, ayoko marinig. tumayo na ko. Hinawakan ni TL kamay ko. “Ayaw mo marinig?” tanong niya. Binitawan ko siya, sinigawan ko na yung mga kaibigan namin na lampas 5 minutes na, pwede na kami lumabas. Para akong may sira sa ulo, adrenalin yata. pinaghahampas ko yung pinto.  Binuksan naman na ng mga kabigan namin, natakot yata. Dumeretso na ko sa labas, nagpaalam na ko. sabi ko hinahanap na ko ng nanay ko.  Hinatid naman ako ni TL at isang kaibigan ko sa labas, inantay makaalis. Pauwi ako, di ko alam kung malamig lang yung hangin, pero nilalalamig talaga ang mga kamay ko.

to be continued…

First Love … True Love .. Part 6

isang gabi, tumawag si FL. tamang tama, wala din ako ginagawa.  “a****, may sasabihin ako, wag ka magagalit.”… sabi ni FL bigla habang busy ako magkwento tungkol sa araw ko., “ano yun?”.. kinabahan ako. Nakwento niya na may isang babae daw sa school nila, hinatid niya sa bahay kasi daw walang masakyan.

Laking gulat niya daw nung pinunasan yung mukha niya at hinalikan siya. wapak! ang sakit! sino yung babaeng yun?? bakit siya nagpahalik dun? Galit na galit talaga ako. noon ko lang na feel yung sobrang galit na yun. Binagsakan ko siya ng telepono, hindi na kasi ko makapagsalita, bumubuhos na yung luha ko.

Ilang araw din ang nakalipas. hindi na din siya tumawag. nasumbong ko sa bestfriend ko yung nangyari. For the first time, sakin siya kumampi. Pero, kailangan daw mag usap kami. Ayusin. Hindi ko yata muna kaya. baka umiyak lang ako sa harap niya. ayokong makita niya kong ganun (mataas nga pride ko).

Sabado. hapon. Dumating siya sa bahay namin. Magang maga yung mata. He looks terrible. Pero hindi ko naramdaman maawa. Pinapasok ko siya. Kailangan din naming mag usap. But at the very start alam ko na ang gusto ko. I want to break up with him. (ang tigas ng puso ko noon). Nasa likod kami ng bahay, Magkaharap kami. Nag sosorry siya. Pinalapiwanag ang nangyari. Ewan ko ba, wala na talaga ako maintindihan noon. Buo na yung isipan ko. Kelangan na namin magbreak. Kaya kahit ano pa yung paliwanag niya. hindi ko narinig. (bata pa ko noon, napaka narrow headed ko, I just want it over).

Yun na nga, next thing i know, nakita ko siyang umalis. his back was the last thing i saw.

Meet My True Love…

September 2002

Ako: on my 2nd year in college, Engineering, currently in a relationship with my 2nd bf (kablock & kaklase ko).

True Love: Kablock & kaklase ko din, Makulit. Matalino. Mabait. Simpleng tao. Hawig kay FL ang ugali niya.

kaka-1 year lang namin ni 2nd BF, nagkakalabuan na. Super possessive kasi, gusto niya sa kanya lang ang attention ko. Dapat kapag pumasok na siya sa classroom, siya nalang ang nakikita ko. Oo, nag isang taon din kami na laging ganyan ang setup. Napansin ko na sosobrahan na yata siya. Napapagod na ko. Araw-araw nalang akong umiiyak dahil sa maliliit na issue naming dalawa.

Matagal naring sinasabi ng mga kaibigan at kaklase namin na hiwalayan ko na. Ewan ko ba, ***** siguro ako, gusto ko kasing magwork-out relationship, unconsiously siguro ayokong maging tulad nung unang relationship ko. Kaya pilit kong iniintindi siya, mga ginagak56wa niya at mga hindi ginagawa.

Isang buwan din kaming away bati, sa gitna ng away na to, naging mas close kami ni TL. kasi naman, itong si 2nd BF, sakanya lumalapit, pag may problema kami. kung baga naging tulay naming dalawa. Si TL ang tumatawag at kumakausap sakin kapag ayokong kausap si 2nd BF. kaya naman hindi niyo kami masi-sisi kung naging close kami.

Isang araw, humahagolgol nanaman ako sa mga kaibigan ko, nag away nanaman kami. Andun din si TL. Pinagsasabihan nanaman nila ako na i-break ko na. lakasan ko na yung loob ko. kelan pa daw ako magpapaka-*****, kelan pa ko magtitiyaga. “Samahan kita, gusto mo? i-break mo na siya” biglang sabi ni TL. Napatingin ako sakanya. Nakita ko iyong mata niya, full of confidence, yung bang bibigyan ka ng lakas ng loob. Sabay sabay nag agree yung mga kaibigan ko. “sige, samahan mo na si A****, para matapos na din ito..” anya ng  isang kaibigan ko.

Ayun na nga, Nasa harap namin ni 2nd BF si TL, habang nag sisigawan kaming dalawa, habang gustong lumuhod sa harap ko si 2nd bf, habang sinusunog niya ang journal namin at habang tinatapos ko ang isang taong relasyon namin.

Simula noon, naging mas close pa ko kay TL, lagi na siyang sumasama sa group of friends ko, dati kasi iba yung grupo niya. Lagi na rin siyang tuma-tambay sa tambayan namin. Siya ang sinasama ko kapag may gustong makipagdate sakin, sakanya ako nagsusumbong kapag may nag-aaway sakin. Sakanya ko nagpapasama kapag may mga lakad ako. Para ko na rin siyang naging best friend. Pero hindi ko inisip na ma-iinlove ako sakanya. Kaibigan ko siya eh.

Yun ang akala ko…

To be continued…

First Love … True Love .. Part 5

Simula noon, aside sa pagbabad sa phone, lagi na rin siyang nasa bahay. Naging mas malapit siya sa mga kapatid ko. Nakilala na din siya ng nanay ko. Pero di ko pinapakilalang boyfriend ko. Bawal pa kasi. May konting hiya pa ko sakanya, wala pang holding hands, kapag lumalabas kami laging walang skinship. Wala din kiss kapag naghihiwalay kami o hinahatid sa bahay. Di rin naman siya nagdedemand, kayo hindi rin big issue samin.

Pasukan nanaman, 4th year highschool na ko. Sa wakas, ilang buwan nalang, pareho na kaming college ni FL. Medyo busy na, ang daming dinedemand ng mga teachers. buti na nga lang naiintindihan ni FL kung minsan tulog na ko kung tumatawag siya. Sinusundo niya na lang ako sa school pag may oras siya. Masaya yung mga unang buwan namin.

Kung minsan, sinama niya ko sa bahay nila. First time kong pumunta doon. Pinakilala niya ko sa nanay at kapatid niya. Mas nakilala ko siya. Hindi sila ganoon ka yaman, broken family kasi. Nalaman ko kung bakit mahal na mahal ko siya. Sobrang mapag-kumbaba siya, hindi siya mayabang, humble kung baga. Masayahin siya, pero alam kong may mga tinatagong lungkot ang bawat ngiti niya. tutuong tao siya, kung galit siya, ipaparamdam niya sayo. Kung masaya siya, asahan mong sasakit ang tiyan mo kakatawa sa mga jokes niya. Marami siyang kaibigan, magaling siya makisama. Kilalalang kilala siya sa lugar nila. halos lahat yata kaibigan niya. Mas lalo ako na inlove sakanya.

Pero minsan, napapansin kong, nahihiya siya. (hindi ko alam kung dahil sa estado ng buhay nila) kasi nung minsang gusto niyang pumunta sa ukay-ukay (oo, first time kong malaman kung ano yung ukay ukay na yan), gusto niyang magpasama, wala na daw siyang t-shirt. Sabi ko wala namang problema sakin. nung nandoon na kami, tumitingin siya ng mga damit, habang nakabuntot lang ako. noon lang din kasi ako napadpad sa ukayan. Then, ilang minuto lang “tara na.” sabi ni FL. “o, wala ka pa naman nabibili eh”.. sagot ko sakanya. “huwag na, next time nalang.” dali daling lumabas si FL. Di ko alam kung nahihiya siya sakin, o napikon siya kasi siguro wala din ako imik at hindi ko siya pinipilian. Hindi na namin pinag usapan yun, at hindi niya na rin ako niyaya ulit sa ukayan.

Don’t make me wrong, hindi rin kami ganoon ka yaman. tamang nasusunod lang lahat ng luho ko ng tatay at nanay ko. kung baga wala din naman kaming problema sa pera. Pero pinipilit din naman ni FL na magampanan ang pagiging bf niya sa akin. nililibre at pinapakain niya ako kung lumalabas kami. binibigyan ng simple gifts. wala naman akong naging reklamo. ngunit..

Ganoon kasi talaga kasi siguro kapag lumalalim na kayo sa relasyon, nagkakaroon na ng hindi pagkakaintindihan.

Unang away..

Gusto kung magkita kami, since every weekend lang kami kung makapag date. wala daw siyang pera, oo nga naman, estudyante palang siya. Sabi ko, ako na bahala. oo nga naman, lalaki siya. hindi siya papayag.

Ayun, nagtampo ako. Gusto ko lang siyang makita eh. Tsaka wala akong magawa sa bahay. Ang ginawa ko, pumunta ako sa
bahay ng bestfriend ko. Pagdating ko, may mga kaibigan siyang nandoon din. Yung iba kilala ko na, yung iba naman bagong mukha, noon ko lang nakita. Isa na doon si Sherwin (hindi totoong pangalan), mabait siya, may itsura. College na din. nag kwentuhan kami. Masarap din kausap.  Nakwento ko din kay sherwin na may bf ako. at nag tatampo ako sa kanya. Hindi ko napansin malapit na gumabi. Nagpaalam nako sa bestfriend ko, bago pa ko hanapin ng nanay ko. Laking gulat ko, nung gusto ako ihatid ni sherwin. Sabi ko huwag na. Kaya ko naman.  Pumilit siya. Hindi nga ako pumayag. kaya inihatid nalang ako sa malapit na sakayan.

Pagdating ko ng bahay, andoon si FL. Natuwa naman ako, nawala na tampo ko sakanya (ganon lang kadali ako magtampo). Ok nanaman kami. (hindi pa talaga ito yung away).

Uwian. Paglabas ko ng gate ng school namin. Ayun! may nakita ako, nope. hindi si FL. si Sherwin. naku, ano ginagawa niya dito? kala ko inaantay niya yung bestfriend ko. it turns out ako daw. may inabot siyang letter sakin. Di ko binasa. Sabi ko uuwi na ko. Hinatid niya ko sa bahay. Hindi na ko naka tanggi. (oo, mali na nagpahatid ako).

Gabi, tumawag si FL. kwentuhan kami. biruan. kulitan. Sa gitna na kwentuhan, na kwento ko si sherwin. nakwento ko rin na hinatid ako sa bahay. (yup, mali na sinabi ko yun, eh bata pa ko, malay ko ba). Hindi siya umimik. Bakit daw ako nagpahatid. Sinabi ko nalang na makulit so hinayaan ko. Nagalit siya. Dapat hindi ako nagpahatid. Ano nalang daw sasabihin sa kanya kung may kaibigan kaming nakakita samin. Baka sabihing walang kwentang bf siya. hinahatid ng ibang lalaki yung gf niya. ha?? issue ba yun? .. yun lang yung nasabi ko. Ewan ko ba, sobrang manhid ko talaga siguro noon. Binaba namin yung phone na magkagalit kami.

Ang sama sa loob ko. Bakit siya galit? eh wala naman yun para sakin. Para namang i cheated. eh hindi naman. Ang taas ng pride ko. Ilang weeks din kaming hindi nag usap. kung galit siya, mas galit ako. (oo, mapride talaga ako, hanggang ngayon). Alam ng mga kaibigan ko na magka away kami. yung iba inaasar ako, i-break ko na daw. yung bestfriend ko syempre kakampi ni FL. mag usap daw kami. mag sorry ako.

Yun na nga ginawa ko, miss ko na rin naman siya. Tsaka ako naman talaga yung may kasalanan. Pinuntahan namin ng bestfriend ko sa bahay nila si FL. Nakipag ayos ako. Nag sorry. Kinuwento ko na pinagsabihan ko na rin si sherwin at di na ako kinukulit.

OK nanaman kami. Masaya na ulit. Naiintindihan ko na siya. Hindi lang pala dapat sarili ko iniisip ko. Natutunan ko pano maging sensitive. natutunan ko na hindi lahat ng bagay eh nakukuha ko.

Feb 2001..

Palapit na ang graduation. Mas nadoble ang pagka busy ko. halos hindi na kami nagkikita. Pati weekends ko occupied na din. Mga saglit na calls lang through payphone ang pag uusap namin, kasi lagi nalang akong nasa school. Hindi naman siya nagdedemand, naiintindihan naman daw nya ko. nakampante ako.. malaking pagkakamali…

to be continued..

First Love … True Love .. Part 4

Syempre, pagkababa ng phone. inisip ko yung kinanta nya. bakit kaya yun yung kinanta nya, sa dami namang love songs diyan, bakit yun??..  Kinaumagahan, nanghiram ako ng song hits (oo, wala pa kami internet noon, uso pa mga song hits, hehe), hinanap ko yung kanta. binasa ng ilang beses yung lyrics.  bago mag uwian, Ting!! may na realize ako! tama ba? o nag a-assume lang ako? ano ba? nalito tuloy ako. bakit?? bakit “gising na”? hindi naman ako tulog diba? pero isa lang ang sigurado ako. bilis ng kabod ng dibdib ko. parang di ako makahinga. totoo ba to.

hindi ako makaphintay na tumawag siya. pagdating na pagdating ko ng bahay tinawagan ko siya. Wala pa daw siya sa bahay nila. haaay.. inip na inip ako. bakit wala siya? kung kelan atat na atat akong makausap siya. wala siya. Nakatulog at nagising na ako, hindi ko siya nakausap.

Nakuwento ko sa bestfriend ko yung nangyari. mas kinilig siya sakin. “may gusto na siya sayo!” tamatawang sinabi sakin ng bestfriend ko. ayoko man aminin, yun din yung pagkakaintindi ko doon sa kanta. “gusto ko mismo sabihin niya sakin, baka kasi feelingera lang ako.” pasimangot kong sinagot sakanya. Totoo naman, ayoko mag assume. oo, masaya ako kun ganun nga, kung may gusto na rin siya sakin. yun na yung inaantay ko diba? Pero, kulang eh. I need to hear it from him.

Dumating ang weekend, hindi ko pa rin nakakausap si FL. haayy… sarap niyang namang bugbugin! hanggang kelan mo ko papaisipin?? gusto na kitang puntahan sa bahay niyo. para maklaro lang ang lahat. pero pinipigilan ako ng bestfriend ko. mag hintay lang daw ako. May alam ba siya na hindi ko alam? hay, halos mamatay ako kakaisip.

Summer 2000

Tumawag si FL ng isang gabi, nangumusta, may kinukwento tungkol sa school nila. hindi ko masyado inintindi, gusto kong itanong yung kanta sakanya, pinipigilan ko sarili ko. Tumatawa siya sa kabilang linya, hindi ko narinig yung joke niya. pero pinilit kong tumawa. nahalata yata. “A****, ok ka lang?” tanong ni FL. “oo naman, may iniisip lang ako.”  sagot ko sakanya. tumahimik siya.. ilang minutes kaming walang kibuan sa telepono (first time nangyari yun)… “Cge na, dumating kasi kaibagan ko, usap nalang tayo bukas.”.. biglang sabi ni FL… “sino yun?” natanong ko. “basta, yung kaibigan ko.”.. sabi niya. Biglang may narinig akong boses ng babae. “okey, sige. bye.” yun na yung huli kong nasabi.

Ang sakit! sino yung babae? bakit andun siya sa bahay ni FL? bakit gabi pa? andaming naglarong katanongan sa isip ko. habang parang nasasaktan ako. Tinawagan ko yung bestfriend ko para lang may makausap. hanggang sa matatulog na ko, hindi pa rin maalis sa isip ko: sino yung babae?

May 2000

Ewan ko ba, galit ako sakanya. Ayoko munang kausapin si FL. Tumatawag siya, hindi ko sinasagot, pinapasabi ko sa kapatid ko, wala ako o kaya tulog na ko. Basta galit ako. yun yung alam kong nafefeel ko. Di ko alam, wala naman ako dapat ikagalit, siguro kasi sobrang asar na ko kakaisip. una, tungkol sa kanta, pangalawa tungkol dun sa babae. hay, basta, ayoko na.

May 5 2000

Gabi, “ate, tumawag ulit si C****, ayaw mo talaga siya kausapin?” sabi ng kapatid ko sakin. napabuntong hininga lang ako.  Pumasok na ko sa kwarto ko, magmumukmok nalang ako. ilang oras lang.. “Ate..” kumakatok yung kapatid ko. “bakit? tumawag nanaman? ayoko nga eh.” pagalit kong sinabi. “hindi…” sabi ng kapatid ko. “nasa labas siya ng bahay, hinahanap ka niya.”

Paglabas ko ng gate, andun nga siya, naka upo sa motor niya. naka smile. “halika, may pupuntahan tayo.” sabi ni FL. “ha? bakit?”.. una kong natanong, san kami pupunta? lagot ako sa nanay ko nito. “basta, kailangan makausap kita, ayaw mo kasi kong kausapin sa telepono eh. Kidnappin muna kita.” ..sarap sa tenga nung marinig ko yun. hindi nako umimik, nagpaalam muna ko sa kapatid ko, tulog na rin kasi yung tatay at nanay ko.

Ang lamig.. nakasakay ako sa motor niya. San kaya kami pupunta?  .. ilang minuto lang, nasa isang lugar kami na hindi ako pamiliar, ang ganda ng view. bakit ngayon ko lang ito na kita?.. nasa gitna kami ng tulay,  maliwanag naman. tirik kasi yung buwan, wala masyadong bahay sa paligid. Binigay niya yung jacket niya sakin. Sinuot ko naman. (*kilig*)

“Sorry..” unang nasabi niya sakin. “bakit? para saan?” tanong ko. “Pinilit kong hindi maramdaman ito pero di ko na kaya..”.. hala! kinakabahan nako, tama ba tong naririnig ko? ayoko muna marinig, galit pa ko di ba? ..

“kumusta na yung kaibigan mo?” pinutol ko yung sinasabi niya… nagulat siya sa tanong ko “sinong kaibigan?.. “yung babaeng pumunta sa bahay niyo nung magkausap tayo. gf mo ba? *** ha!” pilit kong pinapatawa si FL. di siya kumibo. “natatandaan mo ba yung kantang tinugtog ko?” tanong niya. “alin? ang dami mo kayang pinarinig na sakin.” mabilis kong sagot. “hindi mo naintindihan?” tanong niya. “ahh, yung ‘gising na’?, binasa ko yung lyrics. malabo eh. bakit nga ba yun yung pinarinig mo sakin?” … “A****, pasensya na talaga, mukhang mahal na talaga kita.”.. “hindi ko kasi masabi sayo ng harapan, pinaramdam ko sayo. pero bakit ka umiiwas sakin? may ginawa ba ko sayo?” derederetsong sinabi ni FL.

Ayun oh! tumigil ang oras! hindi ako makahinga, sumasakit yung tiyan ko, hindi naman ako natatae.. na excite ako bigla. ewan ko ba, first time ko nafeel to. tama ba itong mga naririnig ko?? gusto ko sumigaw, halos mapaluha ako noon.

Hindi ko alam kung napansin niya yung mata ko, na halos malunod sa luha. pinipilit kong hindi tumulo, tumingala ako. sabay sabi.. “eh **** ka kasi eh! sino kasi iyong babaeng iyon?” nasagot ko sakanya. naphalakhak siya.. nagtaka ako, bakit siya tumatawa eh halos tumulo na luha ko. “nagseselos ka? hahaha!”.. na insulto ako nung sinabi niya yun. “ano ka ba, kapitbahay lang yun! bakit nagseselos ka?” pangiting sinabi sakin.

Selos?? selos nga ba yun? eh galit yung naramdaman ko eh. Ganon pala yun. siguro nga talaga mahal ko na rin siya. “uy, huwag kang magalit.. ” tinutulak nya yung braso ko.. “mahal na din kasi kita” pabulong kong sinabi. ayun! naging kami na. bilis ano? hindi ko alam kung tamang sinabi ko na iyon sa kanya, diba dapat manligaw muna siya? pero, para saan pa? mahal ko na din naman siya diba?

Hinatid niya ko sa bahay, nakangiti kami pareho. Since, super naive pa ko noon. hindi ko alam kung yayakapin ko siya o ano. basta nag bbye nalang ako tapos sabay pasok sa gate. (yep! dapat niyakap ko siya! na realize ko din yan ngayon).

to be continued..

First Love … True Love .. Part 3

February 2000

Nakatambay ako sa bahay ng bestfriend ko, may kausap akong kaibigan namin na taga church choir. Nagtanong siya kung kumusta na daw kami nung lalaking taga choir din. napa smile lang ako, wala ako masabi.

Nagulat nalang ako nung sinabi niyang kami na pala daw, at pinagkakalat na sa mga kaibigan nila na inlove na inlove daw ako dun sa lalaki. hindi ko alam kung matatawa ako o magagalit, pero alam kong na insulto ako. siguro nga nagbibiro lang yung lalaki nung sinabi dun sa kaibigan namin na kami na. Pero, alam naman natin pag sa probinsya ang lakas kumalat ng balita. Buti nalang hindi ganun ka chismoso tatay
ko, kung hindi lagot talaga ako. Nagdecide na talaga ako na kausapin yung guy, para matapos na yung ilusyon niya baka kung ano pa ang sunod na makarating saking balita.

To make the story short, pinagalitan ko siya, binasted ko na.. laking gulat ko ng umiyak siya sa harap ko. Panic ako, ano gagawin ko?? Nasa bahay pa naman kami ng kaibigan namin. Next thing I know, lumabas ako ng bahay na yun, iniwan ko siyang umiiyak. Ano magagawa ko?? First time kong mangbasted, di ko alam may ganung lalake pala. Naawa din naman ako, pero ayoko kasi talaga sakanya, and ayoko ng ginawa niya. period.

Ilang araw ang nakalipas, hindi tumatawag si FL. nagtataka ako, kadalasan bago ako matulog tatawag na yun. mangungulit, kahit wala makwento. Pero, wala, tahimik yung phone namin. Namimiss ko na siya. Ayoko tawagan. baka ano isipin niya. Mataas ang pride ko. Well, kinain ko naman yung pride ko, after ilang gabi pa na hindi talaga siya tumatawag, i decided ako na tatawag. “hello, kumusta na?” sabi ko sakanya… “ok lang, ***?” in his cheerful voice. Gumaan na pakiramdam ko. Narinig ko nanaman boses niya. Ayun, nagbibiruan nanaman kami, naging busy daw kasi siya sa school, kaya hindi siya makatawag. Then, sa gitna ng biruan namin, napatanong siya “kayo na pala, hindi ka man lang nagkukuwento.”… nagulat ako “sinong kami na?” mabilis kong nasagot. “yung lalaking nanliligaw sayo.” may kakaiba sa boses niya. hindi ko madescribe nung time na yun. Tinawanan ko nalang siya. “bakit ka tumatawa? tanong niya. “hindi naman kasi totoo..”.. nakuwento ko sakanya nangyari.

After that, gabi gabi nanaman siya tumatawag. parang dati lang. Isang gabi may sinabi siya. “may ikakanta ako sayo, pakinggan mong mabuti.. ” .. sabay kinanta at tinugtug niya sa guitara..

“gising na.. buksan ang iyong mga mata gising na…”
(Gising na by Parokya ni Edgar)

“ano daw?” biro ko sakanya.. “ulitin mo nga?” hindi ko kasi talaga na gets eh. “ha? di ka nakikinig?. basta di ko na uulitin yun” sabi ni FL.

 

to be continued..

Pages:12»
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes
This site is protected by WP-CopyRightPro