Browsing "Tagalog Love Stories"

First Love … True Love .. Part 2

December 1999

Christmas is fast approaching, hindi naman ako tulad ng karaniwang teenagers na excited pag dating ng december. ayoko ng christmas.. dahilan? aside sa gastos, sa pamimili ng gifts,, yoko din makita nanaman sarili naming pamilya na bored pag xmas eve compared sa ibang pamilya. bitter? yep. pero ibang storya na yun.

Since, wala daw nangyayari sa pagkakaibigan namin ni FL, minabuti ng magaling kong bestfriend na ipakilala ko sa isa pa niyang kaibigan. ka-church choir nya. matanda ng 2 taon sakin. Mejo matangkad sakin, mas gwapo pa rin si FL. Ewan ko ba, parang mas atat pa yung bestfriend ko sa akin na magkaron ako ng boyfriend.

Yun na nga, hindi ko alam kung mahina lang ang pick-up ko, or mabilis lang yung lalaki. Lagi na niya akong sinusundo sa school, hinahatid sa bahay at binibigyan ng letters (oo, uso pa yung love letter, wala pa text and facebook). Wala naman akong sinabing manligaw siya, di naman siya nagtatanong. Mabait naman siya, but, wala talaga akong interest sakanya. Hindi ko naman makuhang sabihan na ayoko sa kanya ng deretsahan.

Nakukuwento ko yung lalaki kay FL, pero tumatawa lang siya. Sabi niya bigyan ko daw nang chance yung guy. mukha naman daw mabait. basta isumbong ko lang sakanya pag inaway ako. Ewan ko ba, habang kinukwento ko kay FL, parang may gusto akong marinig sakanya, may gusto akong maging reaksyon niya. Pero, wala eh. Kabaliktaran.

Xmas eve.

May konting handa yung nanay ko, after ng hapunan pumasok na kami sa kanya kanyang kwarto. (ganyan lagi ang xmas eve namin). Ring…. tumawag yung lalaki. nangungumusta, nag greet, at konting kwento.. ring… tumawag si FL, napangiti ako, parang natupad kaagad yung xmas wish ko. hinarana niya ko over the phone. kumakanta siya, (ang korny nho?) pero ang saya ko. Then… “beeeeeeeep”… naputol yung line. naputolan ba kami? hinanap ko *** line ng phone, tiningnan kung nakakabit pa. okey naman. binaba ko yung reciever, pag angat ko, meron naman dial tone. Dinial ko number niya… busy… wait ako 5 minutes, dial ulit, busy. Ano kaya nangyari?  Try ko ulit nang lampas limang beses, busy talaga yung line.

Hanggang sa nakatulog na ko, walang tumawag.

“A****!” sigaw ng nanay ko habang kumakatok ng pinto ng kwarto ko. “may naghahanap sayo!”… Kala ko May sunog na, lakas ng sigaw ng nanay ko.. “Sino po daw?” tanong ko habang pabukas ng pinto. “lalaki eh, di ko kilala.” aniya ng nanay ko. ha? lalaki? baka yung nanliligaw sakin? eh nakita na ng nanay ko yun. So, dali dali akong bumaba. nyaks! si FL. biglang napahinto ako sa ginta ng hagdan namin. sabay balik sa taas para ayusin yung sarili.

Pagbaba ko sa sala namin. Nakita ko mukha ni FL, nakangiti siya sakin. (napahinto ako pagtype dito, kinikilig pa rin ako hanggang ngayon pag naalala ko itong moment na to.) Ang saya ko, napangiti na rin ako pagka kita ko sakanya. Mukhang di pa siya naliligo, wala sa ayos yung buhok niya, parang nakapambahay lang, may nakasabit na helmet ng motor sa kabilang braso nya. “O, ano ginagawa mo dito?” yun yung una kong nasabi. “merry xmas!”, sabi ni FL, habang lumaki yung smile sa mukha niya. napangiti naman ang puso ko. (wahaha! ang korny!). “wala lang, gusto kita makita, naputol kasi linya ng telepono doon samin kagabi, pinuntahan na kita para alam kong di ka galit.”.. pagkarinig ko nun hindi ko alam kung ano isasagot ko. natawa nalang ako sabay sabi “ok lang yun, pumunta ka pa dito para dun?”.. kung naririnig nya lang yung kabog ng dibdib ko ***** mabibingi siya.

to be continued..

First Love … True Love ..

By: Nimra

I just want to share my story to all of you guys, hoping na may maka relate at mag enjoy sa ikukwento ko.  Most of these are facts, pinilit kong maremember in full details just for the fun of writing.

Meron na din itong english version, kaso hindi ko matapos tapos. So nung magala ako dito at nakabasa ng mga magagandang kwento. Naisip ko na dito nalang ilagay. tagalog nalang para mas madali isulat. At para matapos na rin.

Tungkol ito sa dalawang taong nagpasaya at nagturo sakin kung pano magmahal, masaktan, umiyak at tumawa.

Meet My FIRST LOVE..

August 1999

ako: 3rd year high school, exclusive for girls, hindi kagandahan, hindi rin katalinuhan. madami friends pero mostly girls ***. konti yung boys, most of them kababata at kapitbahay ***.

first love: nasa 2nd year college, fair complexion, amazing smile, rugged kung pomorma. mejo long hair.

First meeting ..

Gabi, I was waiting for my bestfriend sa bahay nila, we’re off to a youth camp, while waiting, dumating si FL. nung una di ko sya pinansin, ako kasi yung tipong suplada.  Tinanong nya ko kung nasaan daw yung kaibigan ko. Sabi ko baka nasa kwarto niya getting ready na din for the camp.  Umupo sya sa isang upuan na adjacent sakin. silence….  wala kibuan.  Then, after ilang shift ko sa pagkaka-upo, lumabas din yung kaibigan ko.

Pinakilala sakin si FL, since hindi nga kami nag kibuan, Nalaman ko na neighbor friend nya pala yun. after nun kwentuhan na kami. medyo syempre nahihiya pa ako ng konti. pero nagjojoke na siya, siguro kasi nandun din yung bestfriend ko kaya at ease na rin ako. After ilang minutes, umalis na kami papuntang camp. hinatid kami ni FL..

1 week after, while watching tv my sister called me, sabi may naghahanap daw sakin sa phone, lalaki. nagtaka naman ako kung sino, kasi iilan lang ang kaibigan kong lalaki, kapitbahay ko pa. bakit pa sila tatawag, pwede naman sila pumunta bahay, like they always do.  “hello?”.. “hey, kumusta na? si c**** to, yung kaibigan ni J***, we met last week sa bahay nila. kumusta na?” said the voice on the other line. inalala ko kaagad kung sino, syempre like all people do, ini-magine ko yung mukha. “aaah… uy, kumusta, napatawag ka? pano mo nalaman number ko?” tanong ko sakanya. “hiningi ko kay J***, wala kasi ako magawa dito sa bahay, kaya naghanap ako ng makukulit, at binigay nya number mo.”..

Simula noon, gabi gabi na sya tumatawag, kwentuhan, asaran, minsan nagkakapikunan. minsan naman nagtatawanan ng walang dahilan. Hindi na completo yung gabi ko kapag di siya tumatawag. sa madaling salita, naging magkaibigan kami, over the phone nga ***, kasi hindi pa kami makapag meet sa labas. hindi nya ko ina-aya, ayoko din naman, kasi nahihiya ako. Iba din kasi kapag sa telepono compare sa personal diba? Baka yung closeness namin sa phone kabaliktaran kapag andyan na sa harap mo.

Isang gabi, tumawag yung bestfriend ko.. kailangan nya daw ng tulong, niyaya sya magdate nung nangliligaw sakanya. Ang problema ayaw nya mag-isa. Since highschool lang naman kami, syempre takot pa sa mga first dates. Eh ayoko naman na maging alalay ng dalawa, ma-out of place ba. ayoko nga.  Sa sobrang kulit nga ng kaibigan ko, ewan ko ba, napa-oo nalang ako. hirap talagang tumanggi sa kaibigan.

eto na, araw na ng date ng bestfriend ko. ang bigat ng paa ko. parang ayoko talagang sumama. haist, bakit nga ba ako pumayag?? since di pa uso yung cellphone nun, kailangan tawagan ko muna kaibigan ko sa phone bago umalis ng bahay. sinigurado kung saan at anong oras talaga dapat magkita. Sabi ko, magpapalate ako ng konti. baka isipin nung dalawa ako pa yung atat na maging alalay.

Pagdating ko sa meeting place, andun yung bestfriend ko. At may dalawang lalakeng kausap. yung isa nakapantalon and polo shirt, babad sa gel *** buhok. yung isa naman nakatalikod. naka shorts, t-shirt at naka cap. Lumapit ako, to my surprise si FL!! waaa!! nagpanik talaga ako, di ko alam yung gagawin ko. uwi na ba ko? o hindi? bako pako maka decide, nakita na ko ng bestfriend ko, kumakaway sakin.

wala na! wala na ako magagawa. hingang malalim, sabay smile. it turns out, niyaya ng bestfriend ko si FL, para naman daw may kapartner ako at hindi ako ma OP. So ano pa nga ba magagwa ko? andun na eh. pero, masaya naman ako, di ko nga lang alam kung papano kikilos. conscious ako. first time ko din makipag date nun. takot din may makakita samin, kasi sa sobrang liit ng  probinsya namin, kilala mo halos lahat yung mga tao. So para hindi naman ako mahalata na nenenerbyos at namamawis ang kamay, inisip ko nalang na isa sya sa mga kaibigan kong lalaki na pwedeng batukan at suntukin ko. sana nga lang di ko magawa sakanya yun.

Nanood kami ng sine, hindi ko na maalala kung ano yung title, ang maliwanag *** sakin, ang saya nya kasama. kung gaano sya kakulit sa telepono, mas makulit sya sa personal. ang ingay namin sa sinehan. ewan ko ba, ang gaan ng pakiramdam ko sakanya. as if i could tell him everything na walang judgement. first time kong nafeel yun. na excite ako sa naramdaman ko. Parang gusto ko na siya laging kasama.

Natapos yung araw na hanggang tenga yung ngiti ko, ang sakit ng tiyan ko kakatawa. Ang sarap sa pakiramdam. Kelan kaya mauulit? .. tanong ko sa sarili ko habang pababa ng pedicab sa tapat ng bahay namin. Hindi na siya bumaba, pinapasok nya lang ako sa gate, then umalis na siya.

Mas naging close kami ni FL. humaba ang oras ng kwentuhan namin sa phone. Minsan umaabot ng 4am. nagalit yung tatay minsan ng nakita niya akong mulat na mulat ang mata at tumatawa habang may kausap sa phone ng madaling araw, Kaya simula noon, kapag may pagkakataon pinapasok ko sa kwarto ko yung telepono.

Dumadalas na rin ang paglabas namin. Minsan, kumakain lang then uuwi na. Minsan naman pag may pera, manonood ng sine. Para ko na rin siyang naging kuya, tatay at bestfriend. Sarap pala sa pakiramdam pag may isang tao sa buhay mo na espesyal sayo (bukod sa pamilya mo).

Pero hanggang doon lang yata kami. Magkaibigan. Wala ako idea kung ano ang nararamdaman ko sakanya. Di ko pa alam noon kung ano ang difference ng love and like. Basta ang alam ko like ko siya. masaya ako pag kausap ko siya. Hindi completo araw ko pag di ko siya nakakausap. Pero love? panu yun? wala ako idea.

to be continued…

Jelly Beans

Hindi ako mahilig sa jelly beans. Pero nung dumating yung jelly beans galing sa sister ng roommate ko, naintriga ako. Isang malaking garapon ng jelly beans na siguro ay mga 1000 ang laman at may 49 flavors. Hinanap ko agad yung chocolate pudding na flavor na nakalagay sa listahan. Lahat ng kulay brown, kinuha ko. Pero hindi chocolate ang lasa ng mga jelly beans na kinain ko. May coffee, may plum, may licorice, may rootbeer… ngunit walang chocolate. Sa kakahanap ng chocolate flavor, hindi ko napapansin ang ibang 48 flavors na nasa garapon. At na-realize ko, ikaw ang the elusive chocolate pudding flavor na jelly bean sa buhay ko. Na-obsessed ako sa lahat ng kulay brown na jelly beans. Iyong roommate ko, na-explore na yung ibang flavor. May bubble gum flavor, may piña colada, may peanut butter, may sizzling cinnamon, may caramel popcorn. Lahat yun, nasarapan sya. Ako, hindi ko pinapansin ang ibang jelly beans. Naka-tuon ang pansin ko sa brown jelly beans. Parang ikaw. Sa kakahabol sa iyo, hindi ko na napansin ang ibang lalake sa paligid ko. Masyado akong naka-focus sa yo, kaya napapalampas ko na ang mga matitinong lalake na nagbibigay interes sa akin. Parang yung ibang flavors ng jelly beans na hindi ko natikman dahil ang gusto ko talaga eh yung chocolate pudding. Iyong roommate ko, natikman na nya ang chocolate pudding na jelly bean. Ang swerte naman niya, natikman nya agad ang flavor na gusto ko. Hindi niya hinahangad, yun pa ang napunta sa kanya. Sabi niya, hindi naman daw masarap ung chocolate pudding na jelly bean. Ordinaryo lang ang lasa. Hindi tulad nung mga favorite nyang flavor. Pinatikim nya sa akin yung toasted marshmallow saka ung strawberry cheesecake, masarap naman. Pero, yung chocolate pudding talaga gusto ko eh. Ganon yata talaga yun. Mas gusto natin yung hindi natin nakukuha. Nung finally natikman ko ang chocolate pudding na jelly bean, napasigaw ako. At last, nakuha ko rin ang gusto ko. Pero, nung ninamnam ko ang lasa, hindi nga sya masarap. Hindi sya ganun ka fabulous. Parang ordinaryong chocolate lang na pinalambot. Pero ang saya nung feeling na finally, nakuha ko rin yun. Matapos akong mapurga sa licorice at root beer flavors. Hindi ko pa natitikman ang lahat ng 49 flavors na jelly beans sa garapon. Nangangalahati na ang laman pero chocolate pa rin ang hinahanap ko kapag binubuksan ko ang takip. Fixated pa rin ako sa mga kulay brown na beans, kahit na mas appealing ang pink, violet at blue. Madalas, ibang flavor na nakukuha ko pero kapag sinuswerte, nahahagilap ko rin ang chocolate pudding. Oo, hindi worth the aggravation ang paghahanap sa chocolate pudding. Hindi worth ang paghahabol ko sa yo. Ordinaryo ka lang naman. Marami pang hihigit sa yo. May mga blueberry o cotton candy o strawberry daiquiri flavors na lalake sa paligid ko pero hindi ko pinapansin. Pero bakit kapag kakain ako ng jelly beans, chocolate pudding pa rin ang hinahanap ko? Bakit kahit na marami naman lalake dyan, ikaw pa rin ang gusto ko? Hay, siguro dahil sa nakasanayan ko na. As i always say, You Never Lose By Loving…… You Always Lose By Holding Back…. By Broken Vampire

Pages:«12
Get Adobe Flash player
This site is protected by WP-CopyRightPro